Laptop Para sa Pangarap
Jul 22, 2022 • 2 min Read
Last August 2021, nag-viral ang isang guro na tumutulong sa kanilang mga estudyante para masuportahan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng laptop, isa sa mga importanteng tool ngayon sa edukasyon. Ibinahagi niya noon ang kuwento ni Chrisken Sumili, ang estudyanteng nangailan ng laptop at nabahagian dahil sa tulong ng marami.
Inimbita namin sya dito sa Ang Pinoy at nakilala namin si Mam Melanie Reyes Figueroa, ang gurong may malaking puso sa pagtulong sa kapwa. Si Mam Melanie ay nagtuturo sa Iligan City East National High School.
Sa aming kuwentuhan, ibinagi niya kung paano sya nag-umpisang tumulong sa mga estudyante at ikinuwento niya na malaki ang role ng social media para makaabot sa mas maraming tao ito. Marami na syang nabahagian ng laptop para sa pangarap, sa tulong ng maraming tao.
Ngayon, mayroon pong muling nangangailangan ng tulong na estudyante Mam Melanie, sina Rica and Rhea. Ang twin sisters ay parehong nag-graduate sa Senior High School with honors at ang kanilang magulang ay nawalan ng trabaho. Kailangan nila ng laptop para sa kanilang pag-aaral. Narito ang buong post ni Mam Melanie.
Narito pa ang ilang larawan kasama ang mga naging recipients ng Laptop Para sa Pangrap ni Mam Melanie.
Mula ng nakausap namin si Ms. Melanie, naging bukas na ang pinto para laging mag-usap at magtulungan sa kahit anong bagay.
Sa mga nais mag-share ng kanilang blessings para sa laptop ng twin sisters na sina Rica and Rhea, puwede niyo pong imessage directly si Mam Melania sa kanyang facebook – Melanie Reyes Figueroa o kaya doon sa cellphone number na nilagay niya sa post.
Para mapanuod niyo ang aming kuwentuhan with Mam Melanie, here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=S9Fdb6_qXK8
Mabuhay po kayo, Mam Melanie.
Please don’t forget to like, share and subscribe to our YouTube Channel, Ang Pinoy Channel.