Joyce Pring at Juancho Trivino, Ikakasal Na!
Nov 30, 2019 • 1 min Read
Nung isang araw, binalita na nga nina Joyce Pring at Juancho Trivino na sila ay malapit ng ikasal. Nangyari ang proposal sa Boaracay nuong August 3, 2019 kung saan kinausap ni Juancho ang kanila-kanilang pamilya at mga kaibigan para lumipad patungo duon at maging saksi.
Binahagi din ni Joyce na sa mga nakalipas na buwan ay inaayos at pinaplano nila ng maagi ang kanilang nalalapit na kasal. Last September nga ay lumipad sya patungong New York para mamili at mag-fit ng wedding dress. Nag-umpisa na rin sila imbitahan ang mga napipisil nilang maging ninong at ninang, at isa na nga dito si Ms. Mel Tiangco na tinanong nya kung puwede maging Ninang habang nasa ere ng news show.
Nabuo ang pag-iibigan nina Juancho at Joyce sa Unang Hirit Show. Nabanggit ni Juancho sa kanyang instagram post na “Pag alam niyo na, alam nyo na talaga. I proposed to her August 3 in Boracay, together with our family and friends who also helped out. I can’t wait to start my life with the person I am certain God gave me. Abangan nyo friends, madami pa kaming kuwento sa inyo.”
Si Joyce ay busy sa kanyang mga hosting shows at vlogs samatalang si Juancho naman ay kasama sa ilang teleserye sa GMA 7 at busy din tapusin ang kanyang kurso sa De La Salle University, Taft.
Congratulations sa inyong dalawa at hihintayin naming lahat ang inyong araw ng kasal at magiging bunga ng inyong pag-iibigan.
Photo Sources: Instagram Accounts of Joyce Pring, Juancho Trivino, and Rona with IG @ronabaguio19