MMFF 2019 entries out na!
Joyce Ann Olindo in Entertainment
Dec 09, 2019 • 2 min Read
Naging parte na ng Christmas culture ng mga pinoy ang taunang Metro Manila Film Festival, kung saan ipinapalabas ang mga pelikulang gawang Filipino mula December 25 (Christmas day) hanggang unang linggo ng Enero.
Walong entries ang lalahok ngayong taon sa MMFF. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Miracle in Cell no. 7. Ang award winning movie na ito ay originally from Korea at ire-remake ng Viva Films starring Aga Muhlach, Bela Padilla, and Xia Vigor.
2. Mission Unstapabol: The Don Identity. Pagbibidahan naman nila Vic Sotto, Maine Mendoza, Jake Cuenca, Jose, and Wally. Ang comedy-action movie na ito ay hatid ng APT Entertainment at M-ZET TV Productions.
3. M&M: The mall the Merrier. Dahil kilala ang pinoy sa pagiging merry, isa pang comedy movie ang inihahandog ng Star Cinema at Viva Films starring Vice Ganda at Anne Curtis. Ito raw ang kauna-unahang beses na magta-tandem si Vice at Anne sa iisang movie.
4. Sunod. Ito ay pinagbibidahan ni Carmina Villaroel at Mylene Dizon. Ang movie na ito ang pumalit sa pwesto ng disqualified horror movie ni Kris Aquino na Kampon.
5. 3pol Trobol: Huli ka balbon. Comedy-action film naman ang hatid sa atin ng CCM Productions kasama sina Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Comedy Queen, Ai-Ai delas Alas.
6. Culion. This movie is written by award-winning screenwriter and novelist, Ricky Lee and stars Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith and Meryll Soriano. Ang movie na ito ay tungkol sa leprosy colony noon sa Pilipinas.
7. Mindanao. Directed by Brillante Mendoza, ang pelikulang ito ay drama at action. Pinagbibidahan ito ni Judy Ann Santos at Allen Dizon.
8. Write About Love. Ang romantic movie na ito ay pinagbibidahan naman ni Miles Ocampo, Rocco Nacino, Yeng Constantino at Joem Bascon.
Paglalaban-labanan ng mga kalahok ang mga parangal gaya ng Best Actor, Best Actress, Best Director, Best Picture, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress Best Child Performer, Best Screenplay, Best Original Story, Best Cinematography, Best Float, at marami pang iba.
Bago pa man ipalabas ang mga pelikulang ito, magkakaroon muna ng “Parade of Stars” kung saan ang mga artista ay may kani-kanyang engrandeng float. Ang parade ay gaganapin sa Taguig this coming December 22.