Enrique Gil, Magnenegosyo Na

Entertainment

Dec 11, 20191 min Read

Kamakailan ay ibinahagi ni Enrique Gil na magnenegosyo na sya at magla-launch sa susunod na taon ng kanyang fragrance line.

Nabanggit nya sa isang ekslusibong interview na maglalabas sya ng apat na scents ng pabango, 2 para sa lalaki na tatawaging Blaze at BMF, at 2 para sa babae na may pangalang Meow at Malibu.

Ang Blaze na kanyang paborito ay very fresh ang dating at ganun din ang BMF. Samantala, excited niyang binanggit na ang Malibu scent na pambabae ay sophisticated ang amoy lalo na sa gabi at ang Meow naman ay powdery ang dating.

Kasama nya sa venture na ito si Ranvel Rufuno at excited na binanggit nya na mabibili ang kanyang mga pabango sa lahat ng SM Malls.


Photo Source: IG of @Enriquegil17_ph


It will make our day if you share this post 😊