Kwentong Valentines

Leonard Santiago in Ang Pinoy Stories

Feb 14, 20233 min Read

Pebrero, buwan ng pag-ibig. Isa sa mga panahon na ipinagdiriwang natin ang pagmamahalan, kasama ang ating kasintahan, magulang, kaibigan, at kapatid.

Sabi nila to attract the love you deserve, kailangan mong malaman kung paano mahalin ang iyong sarili. Ngunit paano kung ikaw ay may takot magmahal? Paano kung isa ka rin sa mga taong madalas naloloko o kaya naman iniiwan? Diba parang napakahirap magtiwala at magmahal muli?

Napakasarap maramdaman at malaman na may nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ngunit sabi nga ng awitin ng Ben & Ben “’Lang-hiyang pag-ibig ‘yan. Ang dami mong isusugal” Hanggang san nga ba ang kailangang isugal?

Maaaring may ilan sa inyo na katulad ko, takot umibig at nangangamba na baka tulad din sya ng iba? Nasaktan at di na muling iibig pa. Ang iba naman ay tulad ko rin, takot ipahayag ang pag ibig na nararamdaman dahil baka ma-reject o kaya naman magtapos ang isang magandang pagsasamahan bilang magkaibigan. Hays, pag-ibig nga naman, sadyang misteryoso.

Nais kong ibahagi ang isang karanasan kamakailan. Mayroon akong dating ka-workmate sa isang pharmaceutical company. IT ako na naka base sa Pinas at sya naman ay sa Canada Vaccine and Medicine Production. Matagal na kaming nag-uusap sa chat platform, at matagal na rin kami ng huling mag-usap. Bago magbagong taon, nagmessage siya at first week lang ng February ko nabuksan ito. Siya’y nagtapat ng kanyang pag-irog. At tulad ng reaksyon ko sa mga nauna kong eksena nang may umamin, “Weh? Baka naman sinasabi mo lang yan kasi may kailangan ka lang sa akin?” Agad pumapasok sa isipan ko, na baka naman binobola lang ako ng taong ito? Sana’y wag nyo i-judge ang aking reaction, yan ay bunga lamang ng mga karanasan at mga nawitness ko sa mga taong nakapaligid sakin.

Nasaisip ko na ang mga katagang di totoo ito. Ngunit naisip ko rin na never pa naman ako na-prank or napagtripan ng taong ito. Kaya naisipan kong mag back read, to see kung saan ba nanggagaling yung hugot nya nang pagtatapat. 2017, unang nagka-usap kami. Bandang 2018, doon ko napansin na medyo nag-iiba na pala ang usapan namin, nagpapasaring na sya tungkol sa pag-ibig at ang aking mga message ay laging palayo sa mga pasaring nya. 2019 dito na sya nag-umpisang magsabi na gusto niya akong makasama, pero di ko rin talaga alam kung anong ginagawa ko sa buhay ko at iniiwasan ko ang topic kaya binabaling ko sa ibang topic (busy lang?). Pero alam ko naman ang dahilan talaga. Hindi ko prayoridad ang pag-ibig dahil ang mahalaga sakin noon ay makapag-provide para sa pamilya namin at matupad ang pangako namin sa yumao naming ina.

Ngayong kumakatok muli ang pag-ibig sa akin, ang aking tanong sa aking sarili’y, handa na ba ako? Handa na ba akong sumugal? Maraming tanong ang gumugulo sa kaisipan ko, isa na rito ang kasalukuyan kong health, ang distansya, ang pagiging stubborn ko? Pero tulad nga ng sabi ng aking kaibigan, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

To love is to lay down your walls, be in the moment, and go with the flow. To love is to learn that there’ll be times when you don’t need to be a lone warrior.

Minsan pala kailangan kong buksan ang puso ko at mga mata ko sa pag-ibig. Magsimulang magtiwala, maniwala, at huwag matakot. Kasi minsan pala nariyan lang sa harap natin, nagbubulagbulagan lang tayo.

We cultivate love when we allow our most vulnerable and powerful self to be deeply seen and known.” – Brené Brown


It will make our day if you share this post 😊