Ang Sakit na Lupus

Leonard in Health

Jan 21, 20203 min Read

Isa sa mga sakit na napakahirap iexplain ay ang LUPUS. Maaring narinig mo na ang sakit na ito, nguni’t di mo pa lubusang naitindihan.

Sa mga kilalang personalidad ngayon, si Selena Gomez ang pinakavocal sa kanyang sakit. Napabalita rin noon na may lupus ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos. Makikita natin na namumuhay sila nang normal at di natin akalain na mayroon silang lupus. Ang isang normal na tao na may lupus ay madalas nasasabihang “mukha kang walang sakit” o “di halatang may sakit ka” dahil di madaling mahalata ang lupus. Ang pinakamasakit pa rito ay ang masabihan na “nagdadahilan ka lang na may sakit” o “peke lang ang pagkakasakit mo” sapagkat minsan short-term lang ang flares.

Ano ang lupus?

Ang lupus ay isang lifetime autoimmune disease na kung saan ang immune system ay nalilito. Sa halip na protektahan ng immune system ang ating pangangatawan laban sa mga bacteria at viruses na pwedeng maging sanhi ng sakit o malubhang karamdaman, inaatake nito ang mga healthy cells natin at syang nagdudulot ng inflammation.

Para lubusan nating maintindihan, balikan natin ang ating lesson tungkol sa white blood cells. Ang white blood cells ang responsable sa paglaban sa sakit. Kapag mayroong harmful foreign substance sa ating katawan, gumagawa ito ng marker na antibodies upang atakehin ang mga harmful foreign substance.

Ngunit kung ikaw ay may lupus, ang mga antibodies na produced ng white blood cell ay aatakihin rin ang mga good cells sa iyong katawan na nagdudulot ng inflammation or pagkasira sa anumang bahagi ng iyong katawan. Ang mga maaaring maapektuhan ng lupus ay ang ating balat, muscles and joints, blood, kidneys, lungs, brain at heart.

Ano-ano ba ang sintomas ng lupus?

Ang lupus ay binansagan na “great imitator” sapagkat ang mga doctor ay nahihirapang tukuyin na lupus ang sakit ng isang pasyente  dahil kaya nitong maglabas ng iba’t ibang uri ng sintomas ng iba’t ibang sakit. Dahil din dito, karaniwan sa mga may lupus ay may misdiagnosis at nakakaranas ng mahabang panahon bago matukoy nang tuluyan ang lupus.

Ang mga karaniwang sintomas ng lupus ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng butterfly rash o yung mukhang paru-paro na rashes na pamumula sa mukha sa dalawang pisngi na tumatawid sa ilong.
  • Pananakit ng mga joints and muscles.
  • Pagmamanas ng mga daliri, mukha, at mga paa.
  • Sobrang fatigue na kadalasan ang gusto mo lang ay ang matulog gawa ng sobrang pagod kahit sapat naman ang tulog mo at huli ay paglalagas ng buhok at pagkakalbo.

Kung ika’y nakakaranas nito, kumonsulta sa isang rheumatologist, internist, or family care doctor upang magkaroon ng maagang diagnosis.

Maari ba akong magka-lupus?

Ayon sa mga pag-aaral, ang lupus ay kadalasang namamana. Kadalasan naaapektuhan nito ay ang mga kababaihan, ngunit maaari ring magkaroon ang mga kalalakihan. Samantala, may ilang pag-aaral na nagsasabi na maaaring magdulot ng lupus ang ating kapaligiran, exposure to chemicals at ultraviolet rays sapagkat may ginagawa ito sa ating DNA. Bata, dalaga, binata at matatanda ay maaaring magkaroon ng lupus.

Paano ginagamot ang lupus?

Hanggang sa ngayon, wala pang cure para sa lupus. Ang mga taong may lupus ay binibigyan ng mga immunosuppressants at anti-inflammatory medicines na maaaring oral or injectable upang i-synchronize ang immune system sa kanilang katawan.

Maaaring mamuhay nang normal ang isang lupus patient sa pamamagitan ng pag-aalaga at healthy lifestyle kung saan maiiwasan nya ang flares.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa sakit na lupus maaaring sumali sa support group ng Hope For Lupus Foundation (www.hopeforlupus.org.ph).


It will make our day if you share this post 😊