Got Gout?
Leonard in Health
Feb 02, 2020 • 2 min Read
Minsan mo na rin bang naranasan na may nananakit na joints? May pamumula, mainit, at namamaga na jpints? Kadalasan sa may gilid ng malaking daliri sa paa?
Malamang tumatanda ka na. Biro lang. Possibleng mayroon kang gout.
Tinatayang 1.6 million na Filipino ang apektado ng sakit na gout base sa naitalang research ng Philippine Rheumatology Association.
Ano ang gout?
Ang gout ay isang uri ng inflammatory arthritis na kung saan may malambot na pamamaga, may mainit na pakiramdam, at may pamumula na masakit, at kadalasan ay nararamdaman sa may gilid ng malaking daliri sa paa. Ang gout ay maaring mararamdaman din sa may wrist, knee, at ankle.
Bakit nagkakaroon ng gout?
Ang dahilan ng pagkakaroon ng gout ay excessive amount ng uric acid sa ating katawan. Ang uric acid ay nagmumula sa purine na nanggagaling sa ating mga kinakain tulad ng:
- pulang karne
- mga preserved food sa lata
- lamang loob ng hayop
- shellfish at
- legumes
Kapag mataas ang uric acid sa ating katawan, mayroon tayong hyperuricemia. Ang naiipon na uric acid sa mga ugat na maliliit sa joint ay nagkicrystalize at nagiging sanhi ng inflammation. Ito na ang gout.
Sino-sino ang maaaring magkaroon ng gout?
Kadalasan ang mga kalalakihang edad 40 to 45 ang naaapektuhan ng sakit na ito ngunit maaari rin nitong maapektuhan ang mga kababaihan. Maaari ring magsimula ang gout sa maagang edad na labing-walong taon.
Ano ang mga gamot sa gout?
Sa pagkonsulta sa doctor, maaari kang maresetahan ng mga sumusunod:
- Diuretics na kung saan ilalabas sa pamamagitan ng ihi mo ang excess uric acid
- Anti-inflammatory medicines
- Immunosuppressives
- Beta blockers upang macontrol ang uric acid sa katawan
- Pain reliever
Ano ang mga dapat gawin kung inaatake ng gout?
Ang pananakit sanhi ng gout ay maaaring magsimula sa oras ng gabi dahil sa mababang temperature. Maaring gawin ang mga sumusunod na pangunahing lunas:
- Mag-cold compress upang mapababa ang mainit na temperature sa loob ng joints at mapadaloy ang uric acid sa loob ng ugat.
- Uminom ng maraming tubig upang mailabas sa ihi ang uric acid.
- I-elevate ang paa sa pagtulog upang mabawasan ang pananakit.
- Iwasan muna ang pag-inom ng soda, alak, at pagkain ng mga pagkaing mataas sa uric acid.
- Magpahinga.
- Kumonsulta sa doctor.
Paano maiiwasan magka-gout?
Maraming mga Filipino ang apektado ng sakit na gout, pero manageable ito. Ang gout din ang pinakamadaling i-manage na uri ng arthritis. Sundin lang ang mga sumusunod:
- Iwasan ang pag-inom ng alak at maraming soda sapagkat nagdudulot ito ng dehydration sa ating katawan na nagiging sanhi ng hindi pagfilter ng kidneys ng uric acid palabas ng ating katawan.
- Maintain a healthy weight. Obesity ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng gout.
- Kumain ng mga pulang karne, canned goods, legumes at shellfish in moderate amount. Huwag sobra-sobra.
- Uminom ng sapat o maraming tubig.
Para makaiwas sa gout, maintain a healthy lifestyle at diet at kung mayroon kang gout, huwag kalimutan ang iyong gamot at ituloy lang ang mga gawain upang iwasan ang gout attack.