Engaged na si Kris Bernal

Joyce Ann Olindo in Entertainment

Feb 07, 20201 min Read

Engaged na ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi. Naganap ang proposal noong Huwebes ng gabi sa isang restaurant sa Makati.

Sinakto naman ng kaniyang boyfriend na magpropose sa mismong birthday nito na si Kris Bernal ang punong-abala.

Nagkakilala ang dalawa dahil sa burger business ni Kris. Si Perry ay isang chef at kasosyo ng actress sa negosyo.

Tatlong taon nang magkarelasyon ang dalawa at nito lamang January ay nag-post pa si Kris sa kaniyang instagram account ng sweet message para sa kaniyang boyfriend saying:

“I want to thank you for the endless things you do for me and for everything that you are, @choi.perry. For loving me endlessly, honestly, constantly, completely, with all your heart, mind, and being!”


Photo Source: IG of @pepefernandezphotography


It will make our day if you share this post 😊