Sarah at Matteo, kasal na.

Joyce Ann Olindo in Entertainment

Feb 22, 20201 min Read

Mommy Divine, hindi invited? Matteo, nanapak.

Ikinasal na nga ang pinoy popstar royalty na si Sarah Geronimo, 31, sa actor-singer na si Matteo Guidicelli, 29, sa Shangri-La at The Fort Bonifacio Global City nitong February 20.

Ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay naturang secret na civil wedding dahil hindi umano invited ang nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine. Kilala sa pagiging istrikto ang mommy ni Sarah.

Sinapak diumano ni Matteo ang bodyguard ni Sarah dahil sa pagsumbong nito kay Mommy Divine sa naganap na kasalan. Dumating ang ina ng aktres sa reception sa nasabing hotel.

Nagpablotter ang bodyguard ni Sarah G. na si Jerry Tamara ngunit hindi na nagsampa pa ng pormal na reklamo laban sa actor.

Bukod sa not-so-good wedding nina Sarah at Matteo, mananatili pa ring Sarah G. ang palayaw ng Tala singer dahil sa new surname niyang Guidicelli.


Photo Source: Ashmatt


It will make our day if you share this post 😊