Malasakit sa mga vendors ni Bela Padilla
Mar 20, 2020 • 1 min Read
Nuong Lunes, naglunsad si Bella Padilla ng “charity crowfunding” para sa mga vendors na apektado ng “community quarantine” na kasalukuyang ipinapatupad ng ating gobyerno. Ang charity program na inilunsad ni Bela ay may hashtag na #covid19PhPagkain at #PagkainParasaPinoy.
Sa “GoGetFunding” page ay mababasa ang appeal ni Bela sa ating mga kababayan.
Dahil na rin sa social reach ni Bela, sa loob lamang ng ilang araw ay nakalikom na siya ng Php3.3 million. Kaya naman, nagpasya na syang isara ang “charity crowfunding” at umpisahan ng mamili para nga sa mga vendors na apektado ng community quarantine.
At kahapon nga ay lumabas na sina Bela Padilla kasama ang ibang volunteers upang mamigay na ng mga pagkain at groceries sa affected vendors sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila. Makikita sa kanyang IG stories na sya ay suportado ng Philippine Army dahil kasama nya ito at gamit nila ang bus ng nasabing organization.
Mabuhay ka, Bela at Maraming Salamat sa iyong MALASAKIT sa ating mga kababayan!
Photo Source: IG of Ms. Bela Padilla