Kwentong Kwarentin

Joseph Guerrero in Ang Pinoy Stories

Mar 28, 20203 min Read

Ipanapatupad ang kwarentin (quarantine) sa dahilang pangkalusugan. Ito ay para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 na mas kilala sa taguring COVID-19. Naniniwala kami na karamihan sa ating mamamayan ay nauunawaan na sa pamamagitan ng kwarentin ay mabibigyan ng kaukulang proteksyon ang ating mga komunidad at mapipigilan ang pagkalat ng ika nga ‘veerus’. But kinks happen in the implementation of the quarantine simply because human interactions and needs are complex as they are and we all overlooked the ‘what could have beens’. Ang iba dito sa mga nakaligtaan na isaad sa patakaran ng kwarentin ay nakakatawa, ang iba ay nakakalungkot, at ang iba naman ay nakakabagabag ng damdamin dahil wala tayong magawa.

Mga kwentong pag binasa mo nakakatawa pero kung ikaw ang ika nga nasa ground baka maloka ka:

– Kumalat sa social media noong nakaraang linggo ang ‘experience’ ng isang doktora na naantala sa isang kwarentin checkpoint dahil ang nakalagay sa identification card nya ay physician. Ayun sa nag checkpoint, doctor ang pwedeng dumaan kaya hinahanapan ang doktora ng ID na ang nakalagay ay doctor;

– Nag trending din sa social media ang video ng isang food delivery person dahil ayaw syang padaanin sa checkpoint kasi ayun sa nag checkpoint pagkain lang ang pwedeng dumaan at hindi tao.

Masaya di ba? Ngunit ang ganitong mga pangyayari ay nagsasaad na ang kakulangan ng tamang kaalaman ay makaka apekto sa magandang hangarin.

Ito naman ang ilan sa kwentong nakakalungkot:

CTTO

– Ilang araw matapos ipatupad ang Luzon wide lockdown, may ilang manggagawa na galling sa Paranaque ang napa balitang naglakad para umuwi sa Pampanga at meron din ilang manggawa na naglakad pauwing Bikol. Komplikado ang sitwasyon kung ibabatay natin sa balita. Ibig sabihin ba hindi na bigyan ng sapat na panahon ang mga manggawang ito para makauwi sa kanila sa pamamagitan ng pagbigay ng sahod bago mag lockdown? Sa ganitong mga kaganapan parang malungkot maging mahirap;

CTTO

– Ang Pop Burri Café ay nag sarado ng kanilang negosyo at ibinukas ang kanilang location para ang mga homeless ay may mapagliguan, makainan, at mapaglabahan ng damit habang naka lockdown. Nakakalungkot na napabalita na ito ay pinuntahan ng mga kagawad ng Barangay East Kamias para ipasarado dahil sa paglabag sa regulasyon ng kwarentin. Ayun sa isang kagawad ng barangay ang pag papasarado ay batay sa reklamo ng mga kapitbahay na ang café ay lumalabag sa patakaran ng kwarentin. Makatwiran naman na ang neighborhood ay mabahala at makatwiran din na magsagawa ng kilos ang barangay ayun sa mga reklamo. Ngunit paano, kailan, at sino na ang mag aabot tulong kapalit ng Pop Burri Café pag ito ay sinarado? Sa panahon ng kwarentin mahirap maging mahirap.

Ito naman ang mga kwentong nakakabagabag ng damdamin dahil wala tayong magawa:

CTTO

– A 69 years old street dweller identified as Dorothy Espejo was arrested when reportedly she went into a rage after policemen roused her from her sleep on a sidewalk in Malate, Manila. Ayun nakasuhan at kulong si lola. Kung salitang pusoy, eh na pusam si lola. Triple ang bayad sa pagkatalo. Mahirap sya kaya walang bahay, natulog sa bangketa at nag violate sya ng ordinansa, at ang masakit nagalit daw sya sa mga nang gising na pulis eh ayun swak si lola. Ika nga, the law may be harsh but it is the law. Ála lang;

CTTO

– Naging maingay sa social media ang di umano pag violate ni Sen Pimentel III ng kanyang home quarantine protocol na dapat sundin ng mga taong nag positive sa COVID-19 test. Ang Makati Medical Center ay nagpalabas ng deretsahang pag kondena sa ginawa ni Sen Pimentel na pag punta sa nasabing hospital para samahan ang kanyang asawa. Ito naman ang naging reaction ni Secretary Guevarra ng Department of Justice sa tanong kung iimbistagahan o aarestuhin si Sen Pimentel III, ‘during abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion’. Ayan, ala lang.

Iwas sa pusam mga ka-kwarentin, stay healthy and keep safe.


It will make our day if you share this post 😊