Vic Sotto, proud sa kaniyang anak na si Mayor Vico
Joyce Ann Olindo in Entertainment
Mar 28, 2020 • 1 min Read
Nakatanggap ng samu’t saring papuri si Pasig City, Mayor Vico Sotto dahil sa kaniyang dedikasyon upang pagsilbihan ang kaniyang nasasakupan.
Isa na rin siyang Social media heartthrob dahil maraming netizens ang humanga sa kaniyang aktibong paglilingkod pati na rin sa taglay nitong appeal sa tao.
Malaki ang pagkakahawig ni Vico sa kaniyang ama na si Vic Sotto, kaya hindi maipagkakaila na mag ama nga ang dalawa. Ngunit iilan lamang ang nakakaalam na ang ina ni Vico ay ang batikang actress na si Coney Reyes.
Nagbigay ng pahayag si Coney para sa mga frontliners, health workers at sa mga sumusuporta kay Vico.
“Thank you so much to all the men and women who tirelessly work alongside Vico! Bilib ako sa inyo! Maraming Salamat sa walang patid na tulong at suporta! God is your ultimate Rewarder! I would also personally like to thank all the people who continue to pray for Vico and his team!”
At nagbigay rin ng pahayag si Vic nang tanungin sa kaniyang interview with Showbiz Talk Ganern kung ano ang kaniyang mensahe kay Vico at sa mga frontliners.
“Of course, proud ako na he’s doing a good job.
“Pero sabi ko nga, hindi lang naman siya, pati yung ibang mga ating namumuno sa bansa.
“Lahat sila, they’re doing a good job”
Featured Photo Source: IG of Mons Romulo