Angel Locsin at kanyang UniTent
Joyce Ann Olindo in Entertainment
Apr 12, 2020 • 1 min Read
Bago pa man makapasok ang CORVID 19 sa Pilipinas, walang patid na ang pagtulong ni Angel Locsin sa kapwa niya Pilipino kapag may sakuna o malalaking trahedyang naganap sa bansa.
Ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, inilunsad ng aktress ang #UniTENTweStandPH (Unitent We Stand Ph) upang maibsan ang overcrowding sa mga ospital.
Ang bawat tent ay nagkakahalaga ng 50,000 pesos at may laking 12×24 meters. Bawat magagastos at bawat ospital na mabibigyan ay makikita sa instagram posts ni Angel.
Sinimulan ng aktres ang kampaniya nitong Marso at nagsimulang tumanggap ng donasyon upang mas marami pang ospital ang kanilang matulungan.
Marami ang sumusuporta kay Angel kasama na rito ang katulong niya sa proyekto na si Dimples Romana at kaniyang fiancé na si Neil Arce. Bukod pa rito, nagbigay rin ang ilan sa malalaking kompanya gaya ng Ligo sardines, Avon, Concepcion Industrial Corporation, atbp.
As of April 8, nakapagbigay na ng 98 tents at 14 sanitations sa 51 hospitals ang aktres.
Tunay na Angel na nga ang turing ng karamihan sa aktres dahil sa kaniyang angelic deeds para matulungan ang frontliners at malabanan ang COVID-19.
Photo Source: IG of Ms. Angel Locsin