Sharon Cuneta, nabuking ang pagtulong

Joyce Ann Olindo in Entertainment

Apr 12, 20201 min Read

Malaking bilang na nga ng mga artista ang tumutulong upang masugpo ang COVID-19. Isa na rito si Mega Star, Sharon Cuneta na lihim na nag donate sa kampaniya ni Angel Locsin na “UniTENTweStandPH”

Maaalalang sinagot ng mag-asawang Sharon at Kiko Pangilinan, kasama ng kanilang anak na si Frankie ang multang pinababayaran sa 21 taong kumalampag sa North Edsa dahil wala silang natatanggap na ayuda. Ang bawat nagprotesta ay pinagbabayad ng 15,000 danyos.

CTTO

Ibinulgar ni Angel Locsin ang donasyong confidential lang sana matapos niyang ipagtanggol ang mega star laban sa netizen na kinikwestyon ang kaniyang pagtulong sa mga nagprotestang mamamayan ng Sitio San Roque, Quezon City. Ilang bahagi ng komento ng netizen,

“Ang iba diyan tinutulungan iyong mga mahilig mag stage nang rally sa ating bansa in  short mga leftist ang tinutulungan!”

Sagot ni Sharon sa netizen,

“Paano mabubuhay ang limang pamilyang nakakulong dahil di ba nakakaiyak kailangan labagin ang batas kahit mapatay dahil sa GUTOM?

Ayon din sa komento ni Sharon, “Ni hindi mo alam kung ANO ANG TINULONG KO KAY ANGEL,” hirit ni Sharon.

Binigyang linaw na nga ni Angel ang komento ng Mega star. Ayon sa kaniya,

Source: IG of Ms. Sharon Cuneta

“BTW, Ms. Sharon donated a whopping 3 MILLION PESOS para makatulong kahit paano sa overcrowded hospital situation ngayon. Binigay nya ito ng KUSA at AYAW IPAALAM. Pasensya na po Ms. Sharon at nasabi ko, ha?

Ni-repost ni Sharon ang revelation ni Angel with caption

“Thanks so much dearest Angel. And may God our Father keep you safe and healthy as you continue your mission to provide comfort to our frontliners who put their lives on the line for us every single day. Love you.”


Source of Featured Image: IG of elaizamariepagar


It will make our day if you share this post 😊