Ang nakakakilig na pag-uusap nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa IG Live
Apr 27, 2020 • 3 min Read
Kani-kanina lang ay nag-usap sa IG Live sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Maraming natuwa, nagulat at kinilig sa pag-uusap nila tungkol sa buhay, pag-ibig, atbp.
Sa ilang minutong pag-uusap nila ay nabanggit ni Bea na nag-umpisa silang magkatrabaho ni John Lloyd nung siya ay thirteen years old pa lamang. Hindi din mapigilan ni John Lloyd banggitin na eighteen years na silang magkakilala, at biglang nag-react si Bea at nagsabi na, magkakilala lang, kaya’t nabanggit ni John Lloyd na magkaibigan.
Sinabi ni Bea kay John Lloyd na para mapatunayan na sila nga ay magkaibigan, maaari nya itong tanungin ng kahit ano tungkol sa kanya. Narito ang buod ng kanilang pinag-usapan.
John Lloyd: Ano ang paborito kong kulay?
Bea: Wala
John Lloyd: Ano ang paborito kong ulam?
Bea: Kilawing puso
John Lloyd: Kailan ako pinakamasaya?
Bea: Kapag kasama mo ang anak mo.
John Lloyd: Kailan ako pinakamalungkot?
Bea: Kapag mag-isa
John Lloyd: Ano ang paborito kong pelikula na tayong dalawa ang magkasama?
Bea: One more chance
John Lloyd: Ano ang paborito kong pelikula na hindi ka kasama?
Bea: Hele kasi pinaglaban mo.
Habang nag-uusap sila ay di napigilan banggitin ni John Lloyd Cruz ang lungkot na nararamdaman nya ngayon na hindi nya maipaliwanag kung saan nanggagaling. Bagama’t nandyan ang kanyang anak na si Modesto ay di nya maitago ang lungkot sa kanyang puso.
Sina Bea Alonzo at John Lloyd ay nagbatuhan pa ng kanya-kanyang linya sa dati nilang pelikula na nagbigay kilig at tuwa sa mga nanunuod sa IG Live. Habang nagbabatuhan sila ng linya ay may nabanggit si John nLloyd na “I don’t get jealous, I can’t be jealous, I’ve never been jealous, ngayon lang,” na biglang sinabi ni Bea na hindi ako ang kasama mo dyan at wala akong laban sa kanya. Ang mga linyang iyon ay sa pelikulang “You Changed My Life” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.
Maya-maya ay biglang naging seryoso si John Lloyd at nagsalita na, “kasama kita ng masaya ako, kasama kita noong malungkot ako, nakita mo akong umiyak, nandyan ka lagi…” at biglang nagtanong si Bea ng anong movie yan at sabi ni John Lloyd, wala at para sa iyo yan.
Sa bandang huli, nabanggit din ni Bea ang mga mga katanungan nya ngayon sa kanyang sarili kung “sino ba talaga si Bea.” Maya-mya lang ay kinuha ni John Lloyd Cruz ang gitara, tumugtog at kumanta ito ng “You are my sunshine…” na sinabayan naman ni Bea. Nabanggit din ni Bea na ito ang paborito niyang kanta.
Nakakakilig din ng sabihin ni Bea na “namiss kita” habang si John Lloyd naman ay nagsabi na “mamimiss kita.”
Natapos ang pag-uusap ng dalawa ng biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ni John Lloyd at nagsabi ito na kailangan nya ng patulugin ang anak. Pinakita nya ito sandali kay Bea at biglang nagpaalam na.
Si John Lloyd ay kasalukuyang nakatira sa Cebu at si Bea naman ay nandito sa Manila, abala sa pagtulong sa mga frontliners.
Photo Source: IG of Ms Bea Alonzo