Delivery rider na estudyante nasita sa checkpoint; pulis imbes na ticket, pera ang inabot

Rose May Pimentel in Ang Pinoy Stories

May 22, 20201 min Read

Imbes na violation ticket ay pangaral at $100 (P5,000) na tulong ang natanggap ng estudyanteng delivery rider na si Joshua Read mula sa pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi sinasadyang traffic violation.

Ayon sa kanyang viral Facebook post, nangyari ito noong May 16 nang madaan siya sa checkpoint sa kahabaan ng España Boulevard.

Katakut-takot na sermon umano ang narinig niya mula sa pulis habang panay paliwanag naman na hindi niya intensyon ang violation na pagsingit sa kabilang lane.

“Hanggang sa humaba na pakikipag-usap ko sa kanya todo paliwanag lang ako na estudyante lang ako at need lang talaga kumayod para sa sarili ko,” pahayag ni Joshua.

Marami pang tanong ang pulis sa kanya hanggang sa naging emosyonal na si Joshua sa pagpapaliwanag dahil bago umano mangyari yun ay di naging maganda ang kanyang araw sa mga naranasan sa kanyang pag deliver.

Laking gulat ni Joshua nang biglang nagsalita ang pulis at imbes na tiket, dolyar ang kanyang natanggap. Ayaw sana niyang kunin ang pera pero ipinilit ng pulis na ibigay ito.

“Tanggapin mo na.  Tulong ko sa ‘yo ‘yan.  Gusto ko magtapos ka ha! Ipangako mo sa akin,” sabi ng pulis na lalong nagpaiyak kay Joshua.

“Sir! Kung alam mo lang kung gaano ko na katagal pinipigilan tong mga luha ko dahil sa mga nangyari sakin netong mga nagdaang araw, sa mga problema tsaka mga bagay bagay na iniisip ko gabi-gabi.  Ikaw lang pala magpapaiyak sakin!  Naiyak ko na lahat-lahat nakagaan na sa pakiramdan ko, dahil sayo yun sir!,” lubos na pasasalamat ni Joshua na mula raw sa pagde-deliver ng item hanggang sa pag-uwi niya ng bahay ay naiiyak siya.


Photo Source: FB of Joshua Read


It will make our day if you share this post 😊