Pulis na nagbigay ng $100 sa sinitang delivery rider, nakatanggap ng P100,000
Rose May Pimentel in Ang Pinoy Stories
May 28, 2020 • 1 min Read
Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang pulis ng maawa ito sa isang working student na delivery driver dahil imbes na tiketan ito ay binigyan pa niya ng $100. Ngayon, ang pulis naman ang siyang nakatanggap ng P100,000 mula sa isang good samaritan na ayaw magpakilala.
Nakabantay sa quarantine checkpoint ang good cop na si P/Corporal Jonjon Nacino nang ipatawag siya ng kanyang hepe na si P/Major Ronaldo Santiago, para pagpaliwanagin sa isang reklamo laban sa kanya. Ngunit, wala itong kamalay-malay sa sorpresang nakahanda para sa kanya.
Pagdating sa himpilan, tinanong siya ng kanyang hepe kung ano ang nangyari at iniabot ni P/Major Santiago ang envelop na naglalaman ng sorpresa para kay P/Corporal Nacino.
Maluha-luha at labis ang tuwa ni P/Corporal Nacino nang makitang P100,000 ang laman ng sobre na galing sa ayaw magpakilalang donor na humanga umano sa ipinakitang malasakit niya sa estudyante. Laking pasasalamat niya dahil sadyang nangangailangan umano siya ng pera para sa panganganak ng kanyang misis.
“Para po ito sa panganganak ng misis ko. Hindi na po mamomoroblema sa panganganak nya,” pahayag ni P/Corporal Nacino.
“Imbes na itago na lang niya iyong sariling pera niya para sa mga anak at asawa niya, itinulong pa niya ito sa estudyanteng mas nangangailangan. Proud ako sayo, talaga, sana dumami ka pa,” ani P/Major Santiago.
Saludo! Tunay ngang the more you give, the more you receive. At sabi nga nila, kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, mabuti o masama, babalik sa iyo. Good karma!
Photo Source: FB of Pilipinas Ang Trending Viral Post