Pinay, nakatapos ng 20 international online courses habang may quarantine
Rose May Pimentel in Ang Pinoy Stories
May 31, 2020 • 1 min Read
Isang 28-anyos na babae mula sa Makati ang nakatapos ng 20 online courses mula sa iba’t-ibang top universities sa buong mundo sa loob ng halos isang buwan lamang sa gitna ng umiiral na quarantine.
Ayon kay Paula Dahlia Mendoza, gusto niyang maging productive habang naka-quarantine kaya naisip niyang mag-enroll sa libreng online courses para marami rin siyang matutunang bago na magagamit niya sa kanyang susunod na magiging trabaho.
“Super tutok talaga ako, and straight aral from tanghali to madaling araw – everyday. Kasi parang ‘di ako nakakatulog maigi pag di ko nafu-fullfill ‘yung course and gusto ko talaga, hangga’t maaari natatapos ko na agad,” pahayag ni Paula.
Tungkol sa marketing, social media management at leadership ang kanyang mga kursong kinuha mula sa 14 na unibersidad kabilang ang University of Pennsylvania, University of California at isang Ivy league research University sa Philadelphia, Pennsylvania.
Kaya, hinihikayat din ni Paula ang ibang Pinoy na mag-enroll sa mga online courses na libre naman at pwedeng mamili kung anong topic ang gustong pag-aralan.
“We’re all tired and exhausted at nagiging paulit-ulit na lang ang lahat sa araw-araw. Kesa mabwisit ka sa mga nangyayari sa paligid, hanap ka na lang ng paraan at mga gawaing nakaka-uplift sa mind and spirit,” ani Paula.
Photo Source: FB of Paula Dahlia Mendoza