Magparehistro na, Simple Lang ang Proseso!

Ang Pinoy Stories

Sep 24, 20212 min Read

Six more days to go before Comelec ends its registration for new voters. Sa ngayon, isinusulong pa rin ng ating mambabatas na ma-extend ang voting registration para sa mga taong gusto pa humabol magparehistro upang makaboto sa 2022.

Simple at madali lang ang proseso.

1. Pumunta sa website ng Comelec – Comelec.gov.ph at hanapin ang Application Form – Voters Registration. Dito makikita mo ang 3 items na kailangan sagutan.

  • CEF-1 – Registration/Application
  • Annex B – Supplementary Data Form
  • Coronavirus Self Declaration Form

2. Kapag nasagutan na ang mga nasabing forms, seguraduhin na iprint ang CEF-1 sa legal size ng bond paper, back to back. Isama din sa pagpi-print ang Annex B at Coronavirus Self Declaration Form.

Paalala po: Halos wala na pong available schedule ngayon ang Comelec Booking sa website so puwede na po kayo dumerecho sa Comelec Registration Sites sa inyong mga lugar. Makakatulong din kung hanapin nyo sa Facebook ang Page ng Comelec sa area kung saan kayo naroon.

3. Pumila ng maaga sa Comelec Registration Areas at dalhin ang mga printed forms na nabanggit sa taas. Importante na dala nyo ang Coronavirus Self Declaration Form at huwag kalimutan magdala ng photocopy ng iyong valid government ID – may picture at signature dapat.  Pakitingnan nyo sa Comelec site ang mga tinatanggap na ID.

4. Pagdating sa Registration sites, 3 steps lang po ang kailangan sundin at pagdaanan:

  • Verification of Application Form
  • Checking of Form and Assignment of Voting Precint/Area
  • Encoding of Data, Finger Scanning, Recording of Signature and Picture Taking

Pagkatapos ng apat na ito, puwede na po kayong umuwi dala ang stub na ibibigay sa inyo ng Comelec Representative.

Madali at maayos ang proseso ng Comelec. Kaya naman, kung hindi pa kayo rehistrado, bisitahin na ang Comelec website para maka pag parehistro.

Mahalaga ang boses ng bawat isa kaya seguraduhin na ang boto nyo ay maririnig at matatala sa pamamagitan ng pagboto.


It will make our day if you share this post 😊