Paalam Heber Bartolome
Nov 16, 2021 • 1 min Read
Marami ang nagulat sa pagpanaw ng OPM Legend na si Heber Bartolome kahapon, November 15, 2021 sa edad na 73. Kakatapos lang ni Heber mag-celebrate ng kanyang birthday noong November 4.
Si Heber ay nagtapos ng Fine Arts sa University of the Philippines at siya din ang nagtayo ng UP Astrological Society noong 1974 na kalaunan ay lumaki at nagkaroon pa ng iba’t-ibang organisasyon sa buong bansa.
Noong 1974 din, binuo ni Heber ang bandang, Banyuhay na kinabibilangan ng kanyang mga kapatid na sina Jesse at Levi. Nag-umpisa ito noong gustong sumali ni Heber sa “Battle of the Bands” sa UP na kailangan ay banda kaya niyaya nya ang kanyang mga kapatid na sumama sa kanya. Ilan sa mga kanta nila na talaga namang tumatak sa mga Pinoy ay ang Nena, Tayo’y Mga Pinoy, at napakarami pang iba.
Bukod sa kanyang pagkanta, ang isa pang kilalang talento ni Heber ay ang pagpinta. Marami siyang paintings na dinala sa ibang bansa at doon sya nagkaroon ng iba’t-ibang exhibits.
Noong September 23, pinalad kami sa Ang Pinoy, na makausap sya through Ang Pinoy Live at naikuwento nya na mayroon pa syang mga kanta na hindi pa nailalabas. Pinagbigyan nya din kami at kumanta ng ilang hit songs nya ng live. Masaya din nyang kinuwento na gusto nya sana magkaroon ng birthday concert na kasabay ang kanyang Painting Exhibit na plano nya sanang idaos sa kanyang bahay.
Panuorin ang buong kuwentuhan with Mr. Heber Bartolome sa aming YouTube – Ang Pinoy Channel at ito po ang link https://youtu.be/IZJtdUu8XJQ
Mula sa Ang Pinoy, taos puso po ang aming pakikiramay sa mga naulila ng ating OPM Legend na si Heber Bartolome. Ang aming Panalangin sa Paglalakbay po!