Gretchen Barretto, Pumunta sa Burol ng Ama
Oct 17, 2019 • 1 min Read
Kaninang umaga ay naglabas si Claudine Barretto ng video kung saan dumalaw na nga si Gretchen Barretto sa burol ng kanilang ama. Sa naturang video na pinalabas sa kanyang Instagram, makikita si Gretchen na naglalakad papalapit sa kinaroroonan ng kanyang ama habang si Claudine ay nakaalalay dito. Habang papalapit sya sa kinalalagyan ng ama ay nadaanan nya muna si Pangulong Duterte na nakikipagkuwentuhan sa kanilang ina. Tumayo ang Pangulo, kinamayan si Gretchen at makikita na ang sumunod na yugto ay yakap-yakap na ni Gretchen ang kanyang ina.
Mababakas mo ang ligaya ni Claudine sa pagdating ng kanyang At e Gretchen dahil nasabi nya sa Instagram na “And then, We are complete @gretchenbarreto i am so Proud of u. I admire and luv u more today. #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME ❤️❤️❤️❤️”
Binawian ng buhay ang ama nina Gretchen at Claudine Barretto nung Martes, October 15 sa edad ng 82.
Photo Source: Instagram of Claudine Barretto