Travel – Ang Pinoy https://angpinoy.net Menu of different information, stories, and concepts for the overseas based Pinoys. Wed, 11 Jan 2023 10:55:56 +0000 en-US hourly 1 https://angpinoy.net/app/uploads/2022/05/logo-100x100.png Travel – Ang Pinoy https://angpinoy.net 32 32 The Top 11 Oldest Churches in Cavite https://angpinoy.net/the-top-11-oldest-churches-in-cavite?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=the-top-11-oldest-churches-in-cavite https://angpinoy.net/the-top-11-oldest-churches-in-cavite#respond Wed, 11 Jan 2023 10:55:56 +0000 https://angpinoy.net/?p=13907 Ang Cavite ay isa sa mga probinsyang mayroong progresibong ekonomiya.  Ayon sa datos ngayon, ang Cavite ang mayroong pinakamalaking populasyon, kung hindi kasama ang independent City ng Cebu. Tinatayang majority ng mga taga-Cavite ay may relihiyon na Roman Catholic.

Malaki ang papel ng Cavite sa ating kasaysayan kaya naman binigyan ito ng titulong “Historical Capital of the Philippines.”

Pinasyalan namin ang Cavite at inalam ang 11 simbahan na tinaguriang pinakamatanda o pinakamatagal ng nadiskubre at nakatayong istruktura sa lalawigan ng Cavite.

Top 11 Oldest Churches in Cavite

1. Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Candelaria, Silang (1595)

Ang Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Senora de Candelaria sa Silang ay kilala din sa tawag na Silang Church. Matatagpuan ito sa bayan mismo.

Itinatag ito bilang Parokya ng mga Pransiscano noong 1595, nasunog at itinayong muli gamit ang mga materyales na bato. Natapos ito noong 1639.

Ang simbahang ito ay kilalang-kilala dahil sa taglay nitong ganda at considered as the oldest standing structure of colonial baroque architecture in Cavite.  Ang retablos o altar pieces sa simbahan na to ay declared as National Cultural Treasure by our National Museum of the Philippines.

Ang Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Senora de Candelaria is hailed as the oldest existing stone church in Cavite.

Address: Silang Town Plaza, Poblacion, J. Rizal, Silang, Cavite

2. Our Lady of the Assumption Parish Church, Maragondon (1618)

 Ang Our Lady of the Assumption Parish Church o kilala din bilang Maragondon Church ay ang nag-iisang heritage structure sa Maragondon as declared by National Museum as National Cultural Treasure.

Itinayo ang simbahang ito ng mga Jesuits noong 1618. Nagkaroon ng ilang mga renovations hanggang sa makumpleto ito noong 1714, gamit ang mga sangkap na bato.

Mapapansin ang kakaibang mga bato na bumubuo sa façade ng simbahan, na ayon sa aming pagsaliksik ay mga irregular stones mula mismo sa Maragondon River.

Sa tabi lang ng simbahan ay naroon ang convent na itinayo noong 1666. Ayon sa mga information, pansamantalang ikinulong dito sina Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio habang nagkakaroon ng paglilitis hanggang sa dumating ang execution.

Address: Our Lady of the Assumption Parish Church is located at Poblacion IB, Maragondon, Cavite

3. St. Mary Magdalene Parish Church, Kawit (1624)

 Ang St. Mary Magdalene Parish Church na kilala rin bilang Kawit Church ay kabilang sa listahan ng mga lumang simbahan sa buong Pilipinas.

Pagdating ng mga heswita noong taong 1624, agad na nag-umpisa ang groundbreaking ng simbahang ito. Kilala ang mga heswita na siyang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa lugar.  Pagdating ng 1638, sa tulong ng ilang pamilya sa Kawit ay naitayo ang simbahan na gawa mula sa kahoy.

Ang St. Mary Magdalene Parish Church ay naging bahagi rin ng ating kasaysayan dahil dito bininyagan si Hen. Emilio Aguinaldo. Makailang beses na binomba ang simbahang ito noong Philippine-American war na muntik-muntikan ng makasira sa istruktura nito. Nagsilbi rin itong silungan ng ating mga kababayan habang nagaganap ang digmaan.

Sa susunod na taon, magce-celebrate ang St. Mary Magdalene Parish Church ng ika-400 years old ng kanilang pagiging Parokya.

Address: St. Mary Magdalene Parish Church is located at Tanggulan Street, Kawit, Cavite

4. St. Gregory the Great Parish Church, Indang (1625)

Ang St. Gregory the Great Parish Church ay tinatawag ding Simbahan ng Indang. Nagsimula ito bilang isang chapel ng Jesuits at naging ganap na Parokya noong 1625.

Malaking portion ng mga bato ng simbahang ito ay itinayo noong 1672-1676. Ayon sa aming nakita, nakumpleto ito noong 1707 at ang kumbento naman ay natapos noong 1710.

Noong Philippine Revolution, nasunog ang simbahan na ito at nirestore noong 1953 at 1987.

Ang St. Gregory the Great Parish Church ay isa sa mga simbahang napuntahan namin na mayroong magandang interior, tunay na kahanga-hanga.

Address: St. Gregory the Great Parish Church is located at Poblacion, Indang, Cavite

5. Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga – San Roque Parish, Cavite City (1688)

Ang Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga – San Roque Parish ay mahalaga ang papel nito sa kasaysayan ng Probinsya ng Cavite.

Taong 1688 ng maitatag ang parokyang ito, at dito matatagpuan ang pinakalumang painting ni Blessed Mother na kilala bilang Our Lady of Solitude of Porta Vaga or tinatawag din na Virgen dela Soledad de Porta Vaga.

Dito ay mapapansin na ang kasuotan ni Blessed Mother ay itim na sabi nila ay ito ang kasuotan tuwing holy week.

Ang Virgen dela Soledad de Porta Vaga was enshrined at the Ermita de Porta Vaga in Cavite Puerto since 1692 until 1941.

Address: Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga – San Roque Parish is located at P. Burgos Avenue, Cavite City, Cavite

6. Sto. Niño de Ternate Parish, Ternate (1692)

Ang Sto. Nino de Ternate Parish ay ginawa gamit ang mga adobe noong 1692 sa pangunguna ni Father Antonio de Borja, isang Jesuit Priest.

Noong 1700, ang Ternate ay naging visita ng Maragondon. Ang simbahan ay napabayaan kaya’t nasira. Pagkalipas ng ilang taon,  nagpatayong  muli ng panibagong simbahan at nasira na naman noong panahon ng Philippine revolution. Walang natira kundi ang image ni Sto. Nino de Ternate.

Makasaysayan ang pinagmulan ng Sto. Nino pati na rin ang bayan ng Ternate. Ang imahe na ito ay kilalang nagmula sa Mollucas, parte ng Indonesia na ngayon ay kilala din na minsang naging parte ang Ternate.

Ang image ni Sto. Nino de Ternate ay unique dahil ito lang ang Sto. Nino na kilalang malaki ang mata, gawa mula sa kahoy na may De Tallado style.

Address: Sto. Nino de Ternate Parish is located at Sto. Niño Street, Poblacion, Ternate, Cavites

7. St. Michael the Archangel Parish Church, Bacoor City (1752)

 Ang St. Michael the Archangel Parish Church ay itinayo noong 1669, gamit ang mga  materyales na bamboos, straws and nipa leaves.  Ang simbahang ito ay dating kaparte ng Kawit.

Noong 1752, tuluyan nang nahiwalay ang St. Michael the Archangel Parish Church at naging parte ng Bacoor. Taong 1824 hanggang 1872, sa panahon ni Father Mariano Gomez, na kura paroko ng simbahang ito at isa sa 3 martyrs na pari ay mas lalong nakilala ang simbahang ito bilang isa sa pinakalumang parokya sa cavite.

Mayroong mga renovations na naganap pero mapapansin sa kasalukuyang istruktura na gawa ito mula sa adobe at tegula, at para maidikit ang mga ito, libu-libong duck white eggs ang ginamit.

Sa may bandang side ng simbahan na halos harap ng Parsih office ay matatagpuan ang head bust ni Padre Mariano Gomez, ang isa sa 3 paring martyrs.

Address: St. Michael the Archangel Parish Church is located at Barangay Poblacion, Bacoor City, Cavite

8. St. Francis of Assissi Parish Church, General Trias (1753)

Kilala bilang General Trias Church ang St. Francis of Assissi Parish Church. Ito rin ang unang catholic church sa lalawigan ng General Trias.

Ang St. Francis of Assissi Parish Church ay kilalang makasaysayan. Itinayo ito ng mga Franciscans noong 1600 at minsan ding naging parte ng Kawit. Taong 1624, nalipat ito sa mga Jesuits hanggang sa maging separate parish na ito noong 1753.

Ang una namang stone church ay inumpisahan noong 1769 sa pangunguna ni Doña Maria Josepha de Yrizzari Y Ursula, Countess of Lirazaga.

Sa katabi lang ng simbahan ay naroon ang dating kumbento na ngayon ay tinatawag ng Museo de San Francisco de Malabon. Ayon sa kasaysayan ay dito nag-practice ang Banda ng San Francisco de Malabon para sa Philippine National Anthem, bago ito tumungo sa Kawit para sa declaration ng Philippine Independence noong 1898.

Address: St. Francis of Assissi Parish Church is located at Governor Ferrer Drive, Sampalucan, General Trias City, Cavite

9. The Diocesan Shrine of St. Augustine, & Parish of Sta. Cruz, Tanza (1780)

Ang Diocesan Shrine of St. Augustine & Parish of Sta. Cruz ay kilalang-kilala bilang Parish of Sta. Cruz sa bayan ng Tanza. Dati itong visita ng Parokya ng San Franciscio at naging Parokya na noong 1780.

Noong 1839 ng maitayo ang simbahan ngunit nasira ito ng lindol. Ang Parokya ay pinamunuan ng mga Paring Pilipino subalit noong 1860, ibinigay ang pamamala sa mga Paring Dominikano.

Ang kasalukuyang istruktura ng simbahan ay itinayo naman noong 1873.

Sa harapan mismo ng simbahan ay naroon ang miraculous image ni St. Augustine of Hippo na sya namang patron saint ng bayan ng Tanza at Kilala ito sa tawag na “Tata Usteng.” Ang simbahang ito ay tingurian din bilang Home of the Hardwood patriarch.

Sa katabi lang ng simbahan ay naroon ang Parish office ay sa taas nito ay matatagpuan ang Tanza Historical Convent and Museum kung saan naganap ang panunumpa ni Gen. Emilio Aguinaldo noong 1897.

Address: Diocesan Shrine of St. Augustine & Parish of Sta. Cruz at Poblacion I, Tanza, Cavite

10. Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar, Imus (1795)

Ang Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar ay kilala din sa tawag na Imus Cathedral. Itinayo ang unang chapel ng Imus sa Barangay Toclong noong 1616 na dating nasasakupan ng  Kawit.

Taong 1795 ng mahiwalay ang Imus mula sa Kawit. Noong 1823, sa pangunguna ni Fr. Nicolas Bicerra, sinimulan na ang Imus Cathedral sa location nito ngayon. Ang simbahang ito ay gawa mula sa bato at bricks, at ang façade ay patterned after the 5th Manila Cathedral design by Fr. Juan de Ugucionnie.

After more than 300 years, nahiwalay na nag Cavite from Manila. Nagkaroon ang Cavite ng sariling Bishop at ang tahanan nito ay matatagpuan sa compound sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Pillar. It was in 1962 when the Cavite Diocese was formally established.

Dito din sa compound ng simbahan ay matatagpuan ang Bell House kung saan naka-display ang apat na historic old bells.

Address: Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar is located at General Castañeda Street, Imus, Cavite

11. Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Parish Church, Naic (1796)

Kilala din ito bilang Naic Church ang Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Parish Church. Ang simbahan ay sinimulan noong 1796 sa pamumuno ni Pedro Antonio de Escuza,  ito ang panahon na inihiwalay ang Naic bilang Parokya mula sa Maragondon.

Ang construction ng simbahan mismo ay nangyari noong 1800, gamit ang wood and cogon grass. Pagkalipas ng ilang taon, marami nang naidadag sa simbahan hanggang ginawa na ito gamit ang mga bato noong 1835 sa pangunguna ni Don Perdro Florentino. Wala itong kampanasyo noong una dahil kulang ang pondo.

Noong panahon ng Philippine Revolution, ang church convent nito ay nagsilbing headquarters ni Gat Andres Bonifacio. Dito din binawian ng buhay si Padre Modesto de Castro, tinaguriang ama ng prosang tagalog, may akda ng ilang novena at Urbana Felisa – na nagsilbing gabay ng kagandahang asal at pakikipagkapwa tao noong panahon na iyon.

Ang Diocesan Shrine of the Immaculate Concepcion Parish Church ay isa sa may pinakamataas (lagpas limang palapag ang taas) at may pinakamahabang (tinatayang 10 blocks ang kapareho) isytuktura na simabahan sa Cavite, sumunod sa Imus Cathedral base sa haba.

Address: Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Parish Church is located at Poblacion, Captain Ciriaco Nazareno Street, Naic, Cavite

Kung nais niyong mapanuod sa YouTube ang aming feature tungkol sa Top 11 Old Churches in Cavite, puwede niyong puntahan ang “Ang Pinoy Channel,” o kaya naman ay iclick niyo ang mga links na ito: https://www.youtube.com/watch?v=KBsE153be7Y at https://www.youtube.com/watch?v=VbnrtcfHKb4

Nais po naming magpasalamat kay Father Virgilio “Vir” Saenz Mendoza, of Diocesan Shrine of St. Augustine and Parish of Sta. Cruz sa paggagabay sa amin para masegurado ang mga detalye dito sa Top 11 Oldest Churches in Cavite.

]]>
https://angpinoy.net/the-top-11-oldest-churches-in-cavite/feed 0
City of Imus https://angpinoy.net/city-of-imus?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=city-of-imus https://angpinoy.net/city-of-imus#respond Sat, 22 Oct 2022 08:53:07 +0000 https://angpinoy.net/?p=13015 Kilala ang City of Imus sa maraming bagay, pero ang tumatatak talaga dito ay ang tapang na naipakita ng ating mga kababayan noong panahon ng Philippine Revolution.

Ang City of Imus ay ang kasalukuyang Province Capital ng Cavite. Ito rin ang tinaguriang “Flag Capital of the Philippines” at dito rin nangyari ang isa sa pinaka-importanteng labanan na nagbigay sa atin ng Kalayaan, at ito nga ang “Battle of Alapan.”

Ang siyudad na ito ay isang third class component city sa Cavite na mayroong 97 barangays. Noong 2012, naigawad dito ang “Cityhood” na sinuportahan ng mga mamamayan nito sa pamamagitan ng isang plebisito.

Pinasyalan namin ng City of Imus at narito ang ilan sa mga piling lugar na maaari niyo ring puntahan.

1. Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar

Mahaba ang pinagmulan ng kasaysayan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar na kilala rin bilang Imus Cathedral.

Ang façade ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar ay patterned sa 5th design ng Manila Cathedral na dinisenyo ni Fr. Juan de Ugucionnie. Maganda at malaki ang buong simbahan. Dito matatagpuan ang pinakakatanging original at miraculous na korona ng Nuestra Señora del Pilar de Imus (Our Lady of the Pillar).

Sa may kaliwang bahagi ng harapan ng simbahan ay makikita din ang “Bell House” kung saan naka-display ang apat na lumang bells na may kanakayang mga inscriptions.

Dito din sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar compound nakatalaga ang tahanan ng Bishop ng Cavite.

Location: Poblacion, Imus, Cavite

2. Imus City Plaza

Isa sa mga attraction na maaaring pasyalan ng ating mga kababayan ay ang Imus City Plaza na nasa harapan lamang ng dating Imus Municipal Hall at ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar.

Makikita dito sa Imus City Plaza ang estatwa ni Hen. Lucerio Topacio, isa sa mga kinu-kinonsidera noong panahon ng Philippine Revolution para mamuno sa ating bansa. Bukod dito, narito rin ang iba pang sumisimbulo sa katapangan ng ating mga kababayan na taga-Imus katulad ng Battle of Imus, Battle of Alapan, ang historical mark para sa 13 martyrs ng Cavite at siyempre, ang pagiging Flag Capital of Imus.

Location: Poblacion, Imus, Cavite

3. Imus Heritage Park

Dalawa sa pagkakakilanlan sa City of Imus ay ang pagiging “Flag Capital of the Philippines” at ang Battle of Alapan. Ang dalawang sumisimbulo na ito ay matatagpuan sa Imus National Heritage Park.

Sa loob ng Imus Heritage Park ay makikita ang mataas na flagpole kung saan naroon ang ating Pambansang Watawat at malayang nakawagayway. Sa likod nito ay makikita ang evolution ng Philippine Flag.

Isa pa sa mahalagang nilalaman ng Imus Heritage Park ay ang simbulo ng “Battle of Alapan.” Ang labanan na ito ang naging daan ng deklarasyon ng Philippine Independence noong 1898 sa bayan ng Kawit.

Location: Alapan, Imus, Cavite

4. Felize Cafe

Ang Felize Café ay binuksan ngayong taon lamang. Kung titingnan niyo sa labas ay parang ordinaryo lamang dahil sa mataas na bakod sa bukana.

Pagpasok niyo sa lugar ay bubungad agad ang parking na mayroong green plant wall. Ilang hakbang lang mula sa parking ay naroon na ang café area na may makulay na disenyo.  Mayroon silang mga drinks, food, dessert at maraming pang iba.

Masarap umupo sa al fresco area nila dahil mayroong fountain at nakaka-relax ang halaman sa paligid.

Location: Daang Hari Road, Pasong Buaya II, Imus, Cavite

5. Casa Ladrillo

Sa kaparehong compound ng Felize Café ay naroon din ang Casa Ladrillo, isang event venue dito sa Imus.

Maluwag ang parking nito na hiwalay sa Felize Café. Mayroong lugar na maaaring gamitin para sa mga grand entrances ng isang event at nasilip din namin ang function rooms na iba-iba ang laki.

Dahil malaki ang compound, sa tingin namin puwede ring gamitin ang garden area sa may likod na puno ng halaman at pati ang right side na katabi lang ng Felize Cafe.

Location: Daang Hari Road, Pasong Buaya II, Imus, Cavite

6. Kurimi Milk Tea Bar

Catchy and inviting ang dating ng Kurimi Milk Tea Bar.  Sa panlabas na histura pa lamang ay na-curious na kami kung ano nga ba ang meron sa loob nito.

Ang Kurimi Milk Tea Bar sa Imus ay isa lamang sa maraming branches ng Bubble Tea Shops na ito. Black and white ang kanilang konsepto at makikita dito sa loob ang famous Manga series charater na si Naruto.

Masarap ang milk tea nila at bukod dito, maaalala namin ang mga staff na friendly at talagang welcoming.

Location: Gen. Topacio St., Imus, Cavite

Kung nais niyong makita ang hitsura ng City of Imus ngayon, maaari niyong panuorin ang aming feature sa Ang Pinoy Travel Experiences na matatagpuan sa Ang Pinoy Channel sa YouTube. Narito ang link: https://www.youtube.com/watch?v=AqIEFE1Efrw

Please don’t forget to share, like and subscribe to our YouTube Channel – Ang Pinoy Channel.

]]>
https://angpinoy.net/city-of-imus/feed 0
Countries Where Filipinos Can Travel as Visa Free https://angpinoy.net/countries-where-filipinos-can-travel-as-visa-free?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=countries-where-filipinos-can-travel-as-visa-free https://angpinoy.net/countries-where-filipinos-can-travel-as-visa-free#respond Sun, 25 Sep 2022 10:28:20 +0000 https://angpinoy.net/?p=12663 It’s travel time again for most of us. After two years of being just home because of the pandemic, some of our Kababayans are back again in traveling.

Today, we share 20 countries that allow Filipinos to enter their hometown without a Visa.

1. Bolivia – up to 90 days

2. Brazil – up to 90 days

3. Cambodia – up to 30 days

4. Colombia – up to 90 days

5. Costa Rica – up to 90 days

6. Ecuador – up to 90 days

7. Haiti – up to 90 days

8. Hong Kong – up to 14 days

9. Indonesia – up to 30 days

10. Israel – up to 90 days

11. Laos – up to 30 days

12. Malaysia – up to 30 days

13. Mongolia – up to 21 days

14. Morocco – up to 90 days

15. Myanmar – up to 14 days

16. Peru – up to 183 days

17. Singapore – up to 30 days

18. Taiwan – up to 14 days

19. Thailand – up to 30 days

20. Vietnam – up to 21 days

There are some countries that require Travel Insurance before you can enter their countries. Thus, to be sure, secure Travel Insurance before leaving the Philippines for it is also for your own protection.

Happy traveling.

]]>
https://angpinoy.net/countries-where-filipinos-can-travel-as-visa-free/feed 0
Ang Tahimik na Bayan ng Mendez https://angpinoy.net/ang-tahimik-na-bayan-ng-mendez?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ang-tahimik-na-bayan-ng-mendez https://angpinoy.net/ang-tahimik-na-bayan-ng-mendez#respond Sun, 28 Aug 2022 05:01:16 +0000 https://angpinoy.net/?p=11930 Long weekend na naman. Marami sa atin ngayon ang naghahanap ng puwedeng pasyalan kasama ang buong pamilya.

Sa kahabaan ng Tagaytay – Nasugbu National Highway, mayroong mga tahimik at maliliit na bayan sa kaliwa at kanan na hindi masyado napapansin.  Magaganda ang mga ito at handang-handa sa mga taong nais bumisita sa kanila.

Isa sa mga bayan na nais naming ibahagi ay ang Mendez – Nunez o kilala ng karamihan na Mendez lamang. Tahimik at malinis ang kapaligiran ng bayan na ito. Isa itong 4th class municipality na mayroong 24 barangays sa lalawigan ng Cavite.

Narito ang ilan sa mga piling lugar na puwede niyong puntahan sa Mendez – Nunez:

1. L & J Country Estate

Bago kami pumunta sa bayan na ito, ang talagang nakalista sa amin ay ang Café Julita. Pero sinorpresa kami dahil ang sumalubong sa amin ay ang compound ng L & J Estate kung saan naroroon sa loob ang Café Julita.

Malaki ang lugar at hindi kayo mamomoroblema sa parking dahil maluwag sya.  Very friendly ang atmosphere dahil sa gate pa lang ay binabati na kayo ng nagbabantay doon.

Dito sa loob ng L & J, mayroong playground for the kids, may function room for special events like weddings, birthday at iba pang celebrations, at may hotel area din kung saan puwede mag-overnight para makapag-relax naman ang buong pamilya.

Sa may bandang dulo ay naroon ang Café Julita na hango sa pangalan ng Ina ng mga may-ari ng buong compound. Ang coffee shop mismo ay maliit lang pero marami ang mga nakapaligid na mga tables and chairs sa malawak na open area. Mayroon silang area for business meetings and they also serve food kasama ang mga beverages at dessert.

2. St. Augustine Parish Church

Ang St. Augustine Parish Church ay more than 300 years old na at maryoong twin bell towers. Hindi mapapansin na matagal na pala ang simbahang ito dahil mukhang bago ang hitsura dahil na rin sa recent renovation.

Maliit lang ang simbahan pati na rin ang kabuong compound nito. Tahimik dito at masarap magdasal.

3. Noon Café

Ang Noon Café ay Asian themed na coffee shop. Napapalibutan ito ng bamboo fence, may ilang halaman sa loob at ang isa sa nagpaganda sa lugar ay ang drop lights installation na nasa gitna ng parking area na segurado kaming maganda ito sa gabi.

Medyo nasa tagong lugar ito pero hindi kayo maliligaw dahil sa dami ng directional signages. Hindi ito kalakihan at ang recommendation namin ay pumunta kayo ng off-peak hours para seguradong makapasok kayo sa compound at makapag-park ng maayos.

4. Paradizoo

Ang Paadizoo ay lugar para sa buong pamilya. Segurado kaming matutuwa ang mga bata dahil sa mga makikita nila dito. Malaki at malawak ang buong compound ng Paradizoo.

Para makita niyo kung ano ang meron sa Paradizoo, mayroong entrance fee na Php200 per head.

Makikita niyo sa loob ang mini-zoo kung saan puwedeng makipag-interact ang mga bata sa ilang piling hayop, may flower farm na sa tingin namin ay puwede mag-picnic sa gitna ng garden, may sili plantation, may mga ilan pang restaurant o café sa loob para sa mga medyo magugutom, may lugar din para mga gustong mag-emote lang pero pang team-building ang dating, may butterfly area din at ang nakatawag pansin sa amin ay ang area for the dogs who have passed away.

Sa Paradizoo, puwede na kayong mag-stay dito ng half-day para makapag-relax at ma-enjoy ng mga bata ang buong lugar.

5. Women’s Livelihood Program

Ilang metro mula sa Paradizoo ay makikita niyo ang maliit na bahay sa tabing kalsada na mayroong signage na “Women’s Livelihood Program.”

Sana ay dumaan kayo dito at bumili ng mga basahan para sa kaunting paraan ay makatulong sa mga masisipag na kababaihan sa Mendez-Nunez.

Ang aming feature o pagbisita sa Mendez-Nunez ay mapapanuod niyo sa aming YouTube Channel – Ang Pinoy Channel at narito ang link: https://www.youtube.com/watch?v=FnAbgt2294Y

Sana ay suportahan niyo kami para makapunta pa kami sa ibang lugar at maibahagi sa lahat ang ganda ng Pilipinas. Please don’t forget to like, share, and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.

]]>
https://angpinoy.net/ang-tahimik-na-bayan-ng-mendez/feed 0
City of Las Piñas, Our Home https://angpinoy.net/city-of-las-pinas-our-home?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=city-of-las-pinas-our-home https://angpinoy.net/city-of-las-pinas-our-home#respond Sun, 31 Jul 2022 09:02:23 +0000 https://angpinoy.net/?p=11463 Maraming pagkakakilanlan sa City of Las Piñas. Nariyan na ang Cleanest and Greenest City in Metro Manila, lugar ng famous bamboo organ at minsan, naiisip din ang bigat ng daloy ng trapiko sa Alabang-Zapote Road area.

Ang City of Las Piñas ay isang highly urbanized and first-class city sa National Capital Region. Malaki ang naging parte nito sa kasaysayan dahil minsan na itong naging major war theater noong 1896 Philippine Revolution dahil sa pananakop ng grupo ni Gen. Emilio Aguinaldo.

Maunlad ang City of Las Piñas. Maraming commercial establishments dito, villages, schools, hospitals, companies at iba pa. Pero, para sa mga taga Las Piñas, eto ang kanilang “Our Home.”

Pinasyalan namin ito at narito ang ilan sa mga puwede niyong bisitahin.

1. St. Joseph Parish / Bamboo Organ

Isa sa mga pagkakakilanlan sa City of Las Piñas ay dahil sa famous Bamboo Organ na makikita sa loob ng St. Joseph Parish.

Ilang beses na rin kaming nakarating sa lugar na ito pero sa totoo lang iba ang pakiramdam kapag narinig niyo ang napagandang tunog ng bamboo organ.  Buong-buo pa rin ito. Nakakabilib din ang kabuoan ng simbahan, hindi ito ganoon kalaki pero maganda ang bamboo ceiling, ang mga Capiz lamps na naka-hang at syempre ang altar.

Pag lumabas ka naman, makikita niyo sa side ang Museum kung saan nakadisplay ang isa sa pinakalumang big bell sa Pilipinas na may encryption tungkol sa pinagmulan ng Las Piñas kasama ang pangalan ng unang pari ng lugar na si Padre Diego Cera.

Address: 1742 Quirino Avenue, Las Piñas City

2. Las Pinas Nursery and Botanical Garden

Isa sa mga naging paborito namin sa pamamasyal sa City of Las Piñas ay ang kanilang Las Piñas Nursery and Botanical Garden.

Hindi ganoon kalaki ang lugar pero punong-puno ito ng mga halaman kasama na ang mga gulay na may bunga pa.  Visitor friendly ang area dahil na madaling libutin at sa loob ng dalawang nurseries na nakita namin, may plant tags na nagpapakita nga ibang detalye tungkol sa tanim na yaon.

Address: Alabang-Zapote Road, Las Piñas City

3. Mary Immaculate Parish / San Lorenzo de Manila Chapel

Nature Church, eto ang isang pangalan na itinawag sa Mary Immaculate Parish kung saan nakapaloob din ang San Lorenzo de Manila Chapel.

Napakaganda ng Church at mararamdaman niyo ang solemito sa kahit anong sulok sa lugar. Napakaraming puno at halaman, at dito ay mapapabilib ka talaga kung paano ang buong lugar ay plinano at naisakatuparan nina Father  Pierino Rogliardi at ng kilalang architect na si Francisco Mañosa.

Address: Apolo III, Moonwalk Village, Talon V, Las Piñas City

4. Tablo X Kitchen Cafe

Ang Tablo X Kitchen Café ay puno ng character, mula sa may reception area hanggang sa makarating kayo sa inyong assigned table. Maraming makikita sa loob na sa tingin namin ay may istorya.

Sa Tablo X Kitchen Cafe, mix food ang makikita niyo sa kanila menu, pero ang naalala namin ay ang sarap ng timpla ng kanilang salad. Segurado din kami na masisiyahan kayo sa service sa lugar na ito dahil very attentive ang mga staff sa needs ng customers.

Address: Abel Nosce Cor. BF Resort Drive, BF Resort Village, Las Piñas City

5. Cup of Joy

Habang nag-iikot kami sa lugar na ito, we were struck by the name of this cafe.

Ang Cup of Joy ay masaya ang vibe, mula sa pangalan hanggang sa makikita sa loob ng cafe. Maganda ang epekto ng pastel colors na nakapaloob dito. Aagaw din ng attention sa inyo ang yellow chairs, floral wall painting at ang vible verse na nakatala sa wall.

Address: BF Resort Drive, BF Resort Village, Las Piñas City

6. Kaijo Steaks and Ramen

Kung naghahanap kayo ng ramen sa City of Las Piñas, lalabas ang Kaijo Steaks and Ramen sa google at maganda ang mga reviews.

Pagpasok niyo pa lang sa lugar, babatiin ka ng magandang painting sa wall kung saan naroon ang cherry blossom. Hindi masyadong matagal ang preparations ng food. Maliit lang ang restaurant na ito pero malinis ang lugar, maganda ang service at masarap ang food.

Address: 41 Gloria Diaz Street, BF Resort Village, Las Piñas City

Para makita niyo ang aming mga binabanggit, puwede niyong mapanuod ang feature namin sa City of Las Piñas sa YouTube – Ang Pinoy Channel. Here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=rzvBqAyWsCI

Please support us by sharing, liking, and subscribing to our channel, Ang Pinoy Channel.

]]>
https://angpinoy.net/city-of-las-pinas-our-home/feed 0
Ang Pinoy Travel Experiences https://angpinoy.net/ang-pinoy-travel-experiences?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ang-pinoy-travel-experiences https://angpinoy.net/ang-pinoy-travel-experiences#respond Sat, 23 Jul 2022 01:37:36 +0000 https://angpinoy.net/?p=11317 Pangarap ng Ang Pinoy na mailapit sainyo ang ating bayan sa pamamagitan ng mga iba’t-ibang lugar at tanawin dito saatin.

Basilica of St. Martin de Tours, Taal, Batangas

Sa una pa lang, ang gusto naming maipaabot ay Sa Biyaya ng Dios, gagawin namin na Ang Pinoy ay makakatugon sa kailangang impormasyon ng kababayan natin na nasa ibang bansa at sa mga dayuhan na nagnanais magkaron ng ideya kung ano ang pwede nilang gawin pag sila ay bumisita sa ating bansa.”

Tourism Office, Indang, Cavite

Noong 2020, innumpisahan naming ipakita sa inyong lahat ang ganda ng ating bansang Pilipinas. Pagkatapos ng isang lugar, tumigil kami dahil sa pangamba na dulot ng pandemic at tumuloy muli noong last quarter of 2021.

Green Pasture, Alfonso, Cavite

Sa aming pagbisita sa iba’t-ibang bayan at siyudad, nais naming maipakita ang ganda ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga bayan at siyudad –  mula sa mga tourist spots, kultura ng lugar, historical areas, ipinagmamalaking produkto o kaya ay ang OTOP (One Town, One Product), mga pagkain na maaaring matikman, sistema, best practices kung mayroon ang local na pamahalaan na isinagawa para sa mga mamamayan, mga commercial establishments, at marami pang iba.

Puente del Capricho, Majayjay, Laguna

Layon namin na ang ating mga kababayang manunuod ay magkaroon ng idea kung ano ang meron sa isang lugar kung balak nilang mamasyal, mag-invest sa lugar na yun o kaya ay magnegosyo.

Museo nila Marcela at Felipe Agoncillo, Taal, Batangas

Mga kababayan, ngayon po ay napasyalan na namin ang 22 bayan at syudad, at 2 tourist spots sa Bicol. Kami po ay humihingi sa inyo ng suporta upang maipagpatuloy namin ang aming pangarap na maipakita sa inyong lahat ang ganda ng Pilipinas.

Pahayahayan sa Bulod, Ligao City (Albay)

Ang aming paglilibot ay pagbisita sa iba’t-ibang lugar ay napapanuod sa aming YouTube Channel – Ang Pinoy Channel. Nawa po ay suportahan niyo kami by subscribing to our channel, watching and sharing it.

San Nicolas, Batangas

Narito po ang link ng Ang Pinoy Channel: Https://www.youtube.com/c/AngPinoyChannel

Mary Immaculate Parish, Las Pinas City

Lagi po naming sinasabi na, mahalin natin ang ating bansang Pilipinas, support local at pangalagaan natin ang ating. Kung mayroon po kayong recommendation or nais niyong puntahan namin, mag-message lang po kayo sa amin at susubukan po naming mapuntahan ang ninanais nyong lugar.

Maraming salamat sa inyong lahat.

]]>
https://angpinoy.net/ang-pinoy-travel-experiences/feed 0
Welcome to San Pablo City https://angpinoy.net/welcome-to-san-pablo-city?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=welcome-to-san-pablo-city https://angpinoy.net/welcome-to-san-pablo-city#respond Sun, 17 Jul 2022 12:22:49 +0000 https://angpinoy.net/?p=11194 Bata pa lang ako ay madalas ko ng marinig ang San Pablo City sa lolo ko. Ang naging tanong ko sa sarili ko, ay ano ba ang hitsura ng San Pablo city at ano ang meron dito?

Ang San Pablo City ay isang first class component city sa lalawigan ng Laguna. Ito ang mayroong pinakamalaking land area sa Laguna at may 80 barangays. Progresibo ang City na ito dahil sa dami ng food chains and restaurants, may hotels, malls, car dealerships, hospitals at marami pang iba.

Minsan na ring tinawag na “Jeepney Capital of the Philippines” ang San Pablo City, dahil seguro dito matatagpuan ang isa sa malaking manufaturers ng passenger jeepneys dito sa ating bansa, ang Armak Motors Corporation na nag-umpisa noong 1979.

Narito ang ilan sa mga highlights ng San Pablo City na maaaring pasyalan.

  • San Pablo City Hall

Isa sa mga malimit na nagiging pamantayan ng isang lugar ay ang structure of the City Hall or Municipal Hall.

Ang San Pablo City Hall ay isa sa mayroong malaking City Hall na nakita namin. Sa palibot nito ay mayroong pang ibang buildings na kaakibat ng City Hall katulad ng Registry of Deeds, Police Station, One-Stop Processing Center, Human Resource Building at marami pang iba.

Address: San Pablo City Hall is located at Trece Martirez St., Barangay V-A, Dagatan Boulevard, San Pablo City, Laguna

  • Doña Leonila Park

Ang Doña Leonila Park ay katabi lang ng San Pablo City Hall. Noong 1987, idineklara ang lugar na ito na Mini-Forest Park ng Bureau of Forest Development. Napakaraming puno sa lugar na ito at kitang-kita niyo ang kalinisan na taglay nito.

Ipinangalan ang park na ito sa dating First Lady, Mrs. Leonila D. Garcia, ang maybahay ng Former President na si Carlos Garcia.

Address: Doña Leonila Park is located at  Barangay V-A, San Pablo City, Laguna

  • Si Christina Gateau Sans Rival

Kung paborito niyo ang Sans Rival, ang lugar na ito ay highly recommended dahil sa sarap ng sans rival na mabibili dito. Hindi masyado matamis at kasalukuyang may tatlong variants na available.

Tama lang ang presyo at puwede rin kayo mag-dine in dito to try their other foods.

Address: Si Christina Gateau Sans Rival is located at 6 Rizal Avenue, San Pablo City

  • Kalahi Bakery

Kung type niyo  ang mga typical breads na nabibili sa bakery sa kanto katulad ng kalihim, ensaymada, pan de coco, mamon, at iba pa, daan na tayo sa Kalahi Bakery.

Ang Kalahi Bakery ay itinayo noong 1942. Nakakabilib na after 80 years, lumaki na sya at nakatayo sa isang magandang building, may small café area sa loob at kasama na rin ang cakes sa kanilang offerings.

Address: 4000 T. Azucena St., San Pablo City, Laguna

  • Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit

Ang Cathedral Parish of Saint Paul the Hermit ay agaw pansin dahil sa kulay orange na structure nito.  Malawak ang compound ng simbahan, may  sapat na lugar para sa mga sasakyan ng churchgoers.

Kapag pumasok kayo sa loob, simple lang ito. Pero ang nakakapagpagaan ng loob ay ang neutral color mula sa floor tiles, ceiling, dome at altar ng simbahang ito.

Huwag niyong kalimutang dalawin ang statue ni Jesus Christ sa tabi ng altar, ang wood door sa may side entrance, at syempre ang Sacred Heart Image ni Jesus Christ na makikita sa gitna mismo ng parking area.

Address: Marcos Paulino Ave., San Pablo City, Laguna

  • Sampaloc Lake / Sampaloc Boardwalk

Ibang-iba na ang dating ngayon ng Sampaloc Lake – malinis at masarap maglakad kahit na anong oras.

Maraming pocket gardens, may mga food stalls sa may harapan, may area na rin para sa mga gustong umupo lang at tumitig sa ganda ng Sampaloc Lake. Ang laki na ng pinag-iba ng lugar at higit sa lahat, may roving police o tanod every now and then.

Sabi nga nila, ang Sampaloc Lake ay mananatiling isa sa mga highlights ng pamamasyal sa San Pablo City

Address: Sampaloc Lake is located at Dagatan Boulevard, San Pablo City, Laguna

  • One Town, One Product (OTOP) Hub

Tuwing bumibisita kami sa isang lugar, ang una naming hinahanap ay ano ang One Town, One Product na mayroon doon. Dito sa San Pablo City, makikita ang mga produktong gawa mula sa iba’t-ibang bayan sa Laguna. Mayroong handicrafts, foods, drinks at marami pang iba.

Let’s support local, and make sure to buy products from OTOP Hub.

Address: OTOP Hub is located at City Plaza, Rizal Avenue, San Pablo City

  • Cucina de Sabang 602

Ang Cucina de Sabang 602 ay simple lang kung tutuusin. Medyo malayo sa highway pero sulit ang pagpunta dito dahil sa sarap ng pinakbet at fried fish. Syempre, ang isa sa highlight dito ay ang view ng Bunot Lake na makikita habang kumakain.

Address: Cucina de Sabang 602 is located at 602 Sabang Road, San Pablo City, Laguna

  • Bunot Lake

Ilang hakbang mula sa Cucina de Sabang 602 ay ang Bunot Lake. Payapa ang lugar, may mga nangingisda kahit na tanghali, at may mga bata kaming naabutang naglalaro, sabay paligo sa Bunot Lake. Nakaka-relax sa pakiramdam habang tinitingnan namin ang lake.

Address: Bunot Lake is located at Sabang Road, San Pablo City, Laguna

  • Sulyap Café

Enchanting ang dating ng Sulyap Café, dahil seguro sa lumang bahay at dami ng halaman at puno na nakapalibot sa lugar.

Mayroon ding alfresco area para sa mga gustong sa labas lang mag-stay at kung coffee lang ang hanap niyo, may separate na coffee area na katabi lang ng restaurant.

Address: Sulyap Café is located at Cocoland Compound, Barangay Del Remedio, San Pablo City, Laguna

  • Adobo Mix

Adobong may gata at pink na sago’t gulaman, ito ang laging makakapag-paalala sa amin sa Adobo Mix. Masarap ang food, malinis at good service.

Address: Pan Philippine Highway, Barangay San Ignacio, San Pablo City, Laguna

Iba ang taglay na ganda ng San Pablo City. Malinis at peaceful ang tourist areas, masasarap ang mga pagkain at mababait ang mga mamamayan.

Please watch our feature on Nagcarlan at our YouTube – Ang Pinoy Channel. Please click the link, https://www.youtube.com/watch?v=7xX6P2fijV4

Don’t forget to share, like and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.

]]>
https://angpinoy.net/welcome-to-san-pablo-city/feed 0
Baguio City – Summer Capital of the Philippines https://angpinoy.net/baguio-city-summer-capital-of-the-philippines?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=baguio-city-summer-capital-of-the-philippines https://angpinoy.net/baguio-city-summer-capital-of-the-philippines#respond Sat, 04 Jun 2022 10:24:38 +0000 https://angpinoy.net/?p=10650 Ang Baguio City ay kilala bilang Summer Capital of the Philippines. Ito ay nananatiling paborito ng karamihan sa ating mga Pinoy.

Noong nag-umpisa ang pandemic, mas mahirap para sa nakakarami ang bumiyahe dahil na rin sa mga safety protocols at syempre kailangan mag-ingat.  Ang pamahalaan ng Baguio City mismo ay nag-implement ng mga safety health requirements na kailangan ihanda bago pwedeng magbakasyon or dumalaw sa kanilang lalawigan.

Pero ngayon simple na lang ang kailangang gawin bago umakyat ng baguio.

– Dapat vaccinated at ihanda ang copy ng inyong vaccination card

– Kailangan handa na ang inyong accommodation bago kayo pumunta ng Baguio City dahil ilalagay ito sa form. Ang isa sa maga-approve ng inyong pagbakasyon sa Baguio City ay ang inyong tutuluyan.

– Bumisita sa website ng Baguio City for visitors – www.visita.baguio.gov.ph

– Hintayin ang approval at seguraduhin na may kopya kayo ng Baguio City QR code

Dahil ang TPLEX (Tarlac Pangasinan La Union Expressway) ngayon ay bukas na hanggang Rosario, mas pinaikli na ang travel time. From Manila, maaari na kayong makarating sa Baguio in just four hours.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga maaaring bisitahin para kainan at pasyalan sa Baguio City.

1. Burnham Park

Ang Burnham Park ang mananatili segurong paborito ng karamihan. Dito ay maaari kayong mag-bike, maglakad-lakad lang para ma-enjoy ang sarap ng simoy ng hangin o kaya ay maupo lang para mag-people watching.

Malaki ang pinagbago ng Burnham Park dahil napakalinis na nito, may mga bagong garden na nadagdag. May lugar na rin ngayon ang bilihan ng mga bulaklak na alam mong pinapahalagahan dahil parte ito ng attraction dito.

Para sa may mga kasamang bata, mas pinadami na ngayon ang amenities para sa lugar ng mga bata.  Syempre, naroon pa rin ang boat ride at ngayon ay mas kaaya-aya na ito at seguradong mage-enjoy ang lahat.

Bukas sa lahat ang Burnham Park at walang entrance fee. Pero para sa boat ride rental, ang presyo ay between Php150 to Php200.00.

Address: Jose Abad Santos Drive, Baguio City, Benguet

2. Baguio Botanical Garden

Isa sa mga gumulat sa amin ay ang lugar ng Botanical Park. Napakalaki ng ginanda nito na maaari na nating ihambing sa mga parks na nakikita sa abroad.

Sa entrance pa lang ay makikita niyo na ang pinagbago nito. May iba’t-ibang sections na mayroon sa look katulad ng Cordileera Village, Mini San Francisco Bridge, Orchidarium, Cactus area, Sunflower area, Souvenir shops at marami pang iba.

Mismong sa gitna ng garden ay mayroong mini coffee truck para sa gustong magkape at magpahinga sandali.

Hindi pa rin nawawala ang pagkakataon na magpapicture sa ating mga kababayang katutubo kasi maaari pa rin itong mangyari doon sa may Cordillera Village.

Entrance Fee: Php10.00 for adults | Php5.00 for kids

Address: Leonard Wood Drive, Baguio City, Benguet

3. Sizzling Plate

Para sa mga laging nagbabakasyon sa Baguio City, kilalang-kilala nila seguro ang Sizzling Plate. Dito, maaari kayong kumain ng steak sa abot-kayang halaga. Steak kasama ang free soup, few slices of potato, java rice at syempre ang kanilang steak sauce.

Ang malimit puntahan ng mga bakasyonista ay ang kanilang branch sa may Session Road. Bukod dito, mayroon pa silang  branches sa may Abanao Road, SM City Baguio, at Leonard Wood Road na sa tingin namin ay ang pinakamalaki.  Halos lahat ng kanilang branches ay punong-puno pag lunch time.

Facebook: Sizzling Plate

4. Arca’s Yard

Ang Arca’s Yard ay maaari nating masabing isang restaurant at mini-museum. Para sa mga mahilig sa artwork, segurado kaming magugustuhan nila ang lugar na ito.

Pagpasok mo pa lang sa luagr, iba na ang vibe na binibigay nito. Medyo kakaiba ang set-up sa loob dahil na rin seguro sa mga art pieces na makikita niyo sa wall, estante at kahit sa floor. Marami rin silang mga books na naka-display na maaaring basahin pero dahil pandemic ngayon, hindi muna puwedeng galawin.

Kilala ang Arca’s Yard sa kanilang camote pie o carrot pie so seguraduhin niyong mag-order nito.

Address: 777 Tiptop, Ambuklao Road, Banguio City, Benguet

Facebook: Arca’s Yard Baguio

5. O’ Mai Khan

Oh my, eat all you can of Mongolian food. Kung nais niyong kumain ng Mongolian food, highly recommended ang O’ Mai Khan na 35 years na sa ganitong negosyo.

Dahil Mongolian, maaari kayong pumili ng meat na gusto niyo isama, vegetables at seasoning.  Bukod sa Mongolian food, puwede niyo itry ang kanilang ibang dishes at strawberry drink.

Malaki ang kanilang building na ilang metro lang ang layo sa SM City Baguio at mayroon din silang parkinga rea.

Address: Upper Session Road, Baguio City, Benguet

Facebook: O’ Mai Khan Restaurant est. 1987

6. St. Joseph the Worker Parish Church – Pacdal

Ang St. Joseph the Worker Parish Church – Pacdal ay isa mga ‘must visit’ place namin kapag kami ay nasa Baguio City. Napakatahimik dito at talagang very solemn.

Maganda, maayos at malinis ang buong lugar. May parking para sa mga magsisimba o kaya magdadasal lang.  Mayroon din silang Blessed Sacrament sa may right side ng simbahan.

Ang isang mapapansin niyo sa simbahan na ito ay ang ganda ng altar na made of wood, lutang na lutang talaga ito. At syempre, dahil tahimik, napakasarap magdasal.

Dito sa St. Joseph the Worker Parish Church – Pacdal kinasal sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Address: Leonard Wood Road, Baguio City, Benguet

Facebook: St. Joseph the Worker Parish – Pacdal

7. Pink Sisters’ Convent and Chapel

Isa sa mga talagang binibisita rin dito sa Baguio City ay ang Pink Sisters’ Convent and Chapel.

Laging puno ang lugar dahil na rin sa dami ng taong bumibisita sa lugar para magdasal, magsulat din ng kanilang mga kahilingan at hingin ang tulong ng mga Pink Sisters’ para maisama ito sa kanilang pagdarasal.

Address: Brent Road, Baguio City, Benguet

Facebook: Pink Sister

Para magkaroon kayo ng idea kung ano na ang hitsura ng Baguio City ngayon, please watch our feature on Baguio City – Summer Capital of the Philippines at our YouTube – Ang Pinoy Channel. Here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=kNEiLMmzZtg

Please don’t forget to like, share and subscribe to our youtube channel, Ang Pinoy Channel. Mahalin natin ang ating bansang Pilipinas, support local at alagaan natin ang kalikasan.

]]>
https://angpinoy.net/baguio-city-summer-capital-of-the-philippines/feed 0
Ang Tagong Ganda ng Bayan ng Liliw https://angpinoy.net/ang-tagong-ganda-ng-bayan-ng-liliw?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ang-tagong-ganda-ng-bayan-ng-liliw https://angpinoy.net/ang-tagong-ganda-ng-bayan-ng-liliw#respond Sun, 29 May 2022 02:19:11 +0000 https://angpinoy.net/?p=10546 Ang bayan ng Liliw ay kilalang-kilala as “Footwear Capital of the Philippines.” Iba ang tunog ng pangalang Liliw sa mga mahihilig mag-negosyo o mamili ng mga tsinelas.

Bukod sa tsinelas, ang Liliw ay sikat din dahil sa mga ilog or resorts na puwedeng puntahan. Ngunit, marami siguro ang hindi nakakaalam na ang lugar ng Liliw ay nasa paanan lamang ng famous na Mt. Banahaw kaya naman may mga lugar dito na napakalamig ng klima. Kapag nilibot niyo ang buong bayan, makikita niyo ang tagong ganda ng Liliw.

Narito ang ilan sa mga mga ‘must go to’ na lugar sa Liliw;

1. Gat Tayaw Street

Ang lugar na ito ang laging first destination ng mga taong namamasyal sa Liliw.  Sa Gat Tayaw Street ay makikita niyo ang mga tindahan ng tsinelas, sandals, shoes, at iba pa. Iba-iba ang mga styles na available at normally, ang presyo ay abot kaya.

Dito rin sa street na ito natutuloy ang mga business ventures dahil sa mga gustong mag-umpisa ng footwear business, maaari niyo ng kausapin ang mga may-ari ng stores para sa naiisip niyong negosyo.

Kung kayo ay may dalang sasakyan, tandan na ang lugar na ito ay one-way at puwede lamang mag-park sa left side.

Address: Gat Tayaw Street, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna

2. St. John the Baptist Parish Church

Ang St. John the Baptist o kilala din bilang LIliw Church or Lilio Church ay isa sa mga pinakamagandang simbahan na napuntahan namin. Agaw-pansin ang red bricked design ng façade at baroque style architecture na nagbibigay ng kakaibang imahe sa simbahan na ito.

Sa labas ng simbahan, makikita niyo sa gitna ang imahe ni Sacred Heart of Jesus at nakapalibot naman sa parking area ang mga white statues ng iba’t-ibang mga santo na nagre-represent ng mga barangays na mayroon dito sa Liliw.

Kapag pumasok kayo sa loob ay seguradong mamamangha kayo sa altar na mayroong 13 saints na nakapaloob sa apat na palapag na nagsisilbing bahay ng mga ito.

Address: 9th Street cor Gat Tayaw and Mabini Streets, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna

Facebook: St. John the Baptist Parish Liliw, Laguna

3. Caffè Lilio Ristorante

Sa gitna ng Gat Tayaw Street ay makikita niyo ang Caffè Lilio, isang Italian-Spanish restaurant na cozy ang dating.

Kapag pumasok kayo sa loob ay mae-enjoy niyo ang music na nagpapakalma habang namimili kayo ng order. Malinis, maayos, at attentive ang mga restaurant staff nila dito.

Kung gusto niyo naman ng al fresco at kasama na ang people watching, maaari kayong mag-stay sa labas at mag-enjoy lang.

Address: Gat Tayaw Street, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna

Facebook: Caffè Lilio Ristorante

4. White House Bistro 1938

Kapag kayo ay naglalakad along Gat Tayaw Street, sigurado kaming hindi niyo makakaligtaan ang agaw-pansin na hitsura ng restaurant na ito, ang White House Bistro.

Maganda ang loob ng restaurant at malinis. Sigurado kaming mae-enjoy niyo rin ang kanilang pagkain dahil halos Filipino dishes ang kanilang inihahain.

Address: Gat Tayaw Street, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna

Facebook: White House Bistro 1938

5. The Rustic Bistro

Kung naghahanap kayo ng chillax na lugar, malamig ang ihip ng hangin at mayroong magandang tanawin, hindi niyo dapat palagpasin ang Rustic Bistro.

Sa mga mahihilig sa nature, sigurado kaming magugustuahn niyo ito.  May mga ilang minuto ang kailangan lakarin mula sa parking area, pero sulit naman kapag nakarating na kayo sa restaurant mismo.

Masarap ang food from soup, salad at tender and juicy carabeef steak nila.  Very friendly ang restaurant personnel at talagang asikaso ang mga guest.

Address: Barangay Kilangin Falls Road, Liliw, Laguna

Facebook: The Rustic Bistro

6. Esmeris Coconut Farm|Daang-Hari Campgrounds

Close to nature ang unang description na sumasagi sa isip namin kapag pinag-uusapan ang Esmeris Farm.

Mula sa parking area, kailangan maglakad ng 400 to 500 meters bago niyo marating ang Esmeris Farm.  Pag dating niyo sa lugar mismo, puwede na kayong huminga at namnamin ang ganda ng lugar.

Sariwa ang hangin, masarap ang fresh buko juice at puwede kayong magpa-picture kahit saang sulok ng farm.  Puwede kayong mag-overnight dito o kaya naman ay mag-team building.

Address: Barangay Ilayang San Roque, Liliw, Laguna

Facebook: Esmeris Farm | Daang-hari Campgrounds

Entrance Fee: Php50/head

Our feature on Liliw is still up on our YouTube – Ang Pinoy Channel. Here’s the link https://www.youtube.com/watch?v=6HFI-2Bm5zI

Please don’t forget to share, like, and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.

]]>
https://angpinoy.net/ang-tagong-ganda-ng-bayan-ng-liliw/feed 0
Ang Natatanging Bayan ng Nagcarlan https://angpinoy.net/ang-natatanging-bayan-ng-nagcarlan?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ang-natatanging-bayan-ng-nagcarlan https://angpinoy.net/ang-natatanging-bayan-ng-nagcarlan#respond Sat, 14 May 2022 04:51:34 +0000 https://angpinoy.net/?p=10328 Sa mga malimit bumiyahe, alam niyo na ang pakiramdam kung mayroong kakaiba sa lugar. Unang tingin at tapak pa lang, iba na ang nabibigay na ligaya nito sa mga biyahero at byahera.

Ang bayan ng Nagcarlan ay isang second class municipality sa lalawigan ng Laguna. Noong una namin itong napuntahan, pinahanga na agad kami nito. Pakiramdam namin, ang bayan na ito ay maaaring tawagin na Tagaytay in Laguna dahil sa kanyang malamig na klema.

Mayaman sa kasaysayan at may angking natural na ganda ang bayan na ito. Kaya naman, narito ang ilan sa mga lugar na maaari niyong puntahan sa bayan ng Nagcarlan.

1. Underground Cemetery

Ang Underground Cemetery ay nag-iisa lang sa Pilipinas at tunay na makaysayan. Itinayo ito noong 1851 sa pangunguna na Father Vicente Velloc, isang Francisan Missionary. Ang lugar din na ito ang siyang sinasabi kung saan plinano ang historic na “Biak na Bato Pact” nina Pedro Paterno at General Severino Taino noong 1897.

Sa ngayon ay wala na ditong nililibing pa at bukas ang lugar na ito para sa mga nais itong mapasyalan.

Ang Underground Cemetery ay isang National Historical Landmark at currently supervised by the National Historical Commission of the Philippines.

Location: Barangay Bambang, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: FREE

2. San Bartolome Apostol Parish Church

Marami sa atin ang nakapanuod ng teleseryeng, Kampañerang Kuba nina Vilma Santos at Anne Curtis. Kung ikaw ay isa doon, nakita mo na ang mapaghimalang simbahan ng San Bartolome Apostol Parish Church.

Itinayo ito noong 1583, kasabay ng pagkatalaga sa Nagcarlan bilang isang bayan. Ang simbahan na ito ay dedicated kay St. Bartolomew na kilala dito dahil na rin sa pinagkakaloob nitong “Miraculous healing” kasama si San Diego de Alcala.

Location: Banahaw Street, Nagcarlan, Laguna

Facebook: Parokya ni San Bartolome Apostol – Nagcarlan, Laguna

3. Nagcarlan Municipal Hall

Kung kayo ay nasa Nagcarlan na, mas mabuting daanan niyo na rin ang Nagcarlan Municipal Hall. Sa lugar na ito ay makikita niyo ang lugar na nagbibigay halaga sa kuwentong alamat na pinagmulan ng Nagcarlan.

Ang lugar na ito ay ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan ng Underground Cemetary.

Location: Rizal Road, Nagcarlan, Laguna

4. Camp Yambo

Mula sa bayan, ilang minuto din ang babyahiin niyo bago makarating sa Camp Yambo.  Tropical ang theme ng lugar na ito, maaliwalas, malinis, maayos ang serbisyo at masarap din ang pagkain.

Dahil dinarayo ang lugar na ito, nire-rekomenda namin na mag-book kayo in advance through Facebook para maseguradong makakakuha kayo ng mesa at upuan.

Location: Sito Yambo, Barangay Sulsugin, Nagcarlan, Laguna

Facebook: Camp Yambo

5. Yambo Lake

Papasok pa lang kami sa lugar na ito, wow na agad ang nasambit namin.

Ang Yambo Lake is a must visit place if you’re in Nagcarlan. Green na green ang lake, malinis ang kapaligiran, at mayroong mga cabanas na puwedeng rentahan para mga taong gusto magtagal ng kaunti.

Puwede rin kayo mag-tent o set-up ng picnic area habang ang mga kasama niyo ay namamangka o naliligo sa lake.

Location: Yambo Lake, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: Php20.00 per head

6. Bunga Falls

Ang Bunga Falls ay isa sa mga kilalang-kilalang attraction sa Nagcarlan. Mula sa highway, mga ilang minuto din ang bibiyahiin niyo bago makita ang falls. Maaari kayong magdala ng sasakyan o kaya ay sumakay ng tricycle.

Pagdating sa lugar, ramdam mo ang lakas ng bagsak ng tubig mula sa taas. Maaari kayong maligo o kaya naman ay magmasid lang. Sa lugar mismo ng Bunga Falls ay mayroong mga ginagawang cabanas na maaaring rentahan ng mga guests.

Location: Barangay Bunga, Nagcarlan, Laguna

Entrance fee: Php35.00 per head

7. Kookoo’s Farm and Garden Resort

Nag-umpisa ang Kookoo’s Farm and Garden Resort bilang pahingahan ng isang pamilya. Pagkatapos ng ilang buwan, nakita nila ang oportunidad na buksan ito sa publiko.

Ang Kookoo’s Farm and Garden Resort ay isang family-owned business na may kasalukuyang lugar para sa private events at ang isa naman ay bukas sa publiko. Maaari niyong ienjoy ang kanilang pool at puwede rin kayo mag-overnight.

Location: Barangay Banilad, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: Php300 per head

Facebook: Kookoo’s Farm and Garden Resort

8. Landing Point

Ang Landing Point sa Nagcarlan ay ang isa sa seguradong babalik-balikan namin. Maganda ang lugar na ito, chill lang ang vibe.

Maraming gulayan, maganda ang view at puwede kayong mag set-up ng tent o kahit picnic vibe lang.

Kung mahilig ka sa nature, segurado kaming mae-enjoy niyo ang Landing Point.

Location: Barangay Abo, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: FREE

Natatangi ang bayan ng Nagcarlan. Sana ay mas maging masikap pa ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga turista na nagnanais masilayan ang kakaibang ganda ng Nagcarlan.

Please watch our feature on Nagcarlan at our YouTube – Ang Pinoy Channel. Please click the link, https://www.youtube.com/watch?v=31c5EYB3HVU

Don’t forget to share, like and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.

]]>
https://angpinoy.net/ang-natatanging-bayan-ng-nagcarlan/feed 0