2nd Year Anniversary of Vice and Ion

Entertainment

Oct 27, 20201 min Read

Last October 25, 2020 ay nag-celebrate sina Vice Ganda and Ion Perez ng kanilang 2nd year anniversary as a couple sa Enchanted Kingdom.  Sinubukan nila ang iba’t-ibang klase ng rides at activities sa loob ng tinaguriang, the happiest place in the Philippines.

Isa sa mga memorable rides nila ay sa Gondola at sabi nga ni Vice Ganda ay exciting ito dahil tinatawag ito na “Enchanting dinner in the sky.” 

Habang nagdi-dinner sila ay nagkuwento ang dalawa ng kanilang saloobin. Sabi ni Vice Ganda na “First ko naka-experience ng ganito.  Eto iyong mga ganitong eksena na napapanuod sa pelikula dati tapos nae-experience na natin. Ang lakas maka-bagets.  Ang daming surprises ng world. May mga surprises na di mo masyadong magugustuhan dahil di ka prepared, may mga surprises naman na ang tagal mong hinintay pero hindi nangyari noong mga panahon na gusto mo pero nangyari sa tamang panahon. Just like this one.” 

Si Ion naman ay nagsabi na “Hindi ko man lang naiisip na mae-experience ko ito, makakasama ka.  At saka ang sarap na nagging free tayo, nagging tanggap tayo ng tao.”

Bukod kina Vice at Ion, sinamahan din sila ng kanilang malalapit na kaibigan para mag-celebrate ng kanilang anniversary.

Cheers to more anniversaries for the both of you, Vice and Ion.


Photo Source: YouTube of Vice Ganda


It will make our day if you share this post 😊