7 Local Artists Pasok sa 100 Asia-Pacific Most Influential Celebrities on Social Media

Entertainment

Dec 09, 20201 min Read

Noong December 8, naglabas ang Forbes Asia ng kanilang listahan para sa 100 Most Influential Celebrities on Social Media. Binanggit ng Forbes Asia na ang pagpili sa mga Celebrities ay dahil sa kanilang Social Media engagements, recent works, advocacies, brand endorsements, business endeavors at profile recognition locally, regionally, and globally.

1. Marian Rivera

Si Marian Rivera ay ang local celebrity na may 23 Million followers sa Facebook, ang kasalukuyang may pinakamataas ngayon.

2. Kim Chiu

Si Kim Chiu ay kinilala dahil sa kanyang “Bawal Lumabas” YouTube video na may 9 Million views. Nagbenta rin sya ng “Bawal Lumabas” na t-shirts na nakatulong para sa mga affected ng pandemic.

3.  Anne Curtis

Si Anne Curtis ngayon ang local celebrity na may pinakamataas na followers sa Instagram, 16 Million.

4. Angel Locsin

Si Angel Locsin ang ikalawang local artist na may pinakamataas na followers sa Facebook at 19 Million. Ngayong pandemic, nakalipon din si Angel ng Php11.3 Million para itulong sa 246 hospitals na talaga namang nangangailangan.

5. Vice Ganda

Si Vice Ganda ay kinilala din dahil sa kanyang iba’t- ibang contribution, kasama na rin ang kanyang 17 Million followers sa Facebook.

6.  Kathyren Bernando

Si Kathryn Bernardo ay may dalawang pelikula na nagbigay sa kanya ng gross na $20 Million. Nakakuha rin sya ng 2 awards namely; Film Actress of the Year and Phenomenal Star of Philippine Cinema

7.  Sarah Geronimo

Si Sarah Geronimo ay nakakuha rin ng award, tie with Kathyren Bernardo para sa isang pelikula na pinalabas noong 2018.  Last March, nagkaroon ng online concert si Sarah kasama ang kanyang asawa at nakalikom sila ng $5 Million.

Congratulations sa inyong lahat.


CTTO of the pictures


It will make our day if you share this post 😊