90-year-old cancer survivor, COVID-19 survivor din

Joyce Ann Olindo in Ang Pinoy Stories

May 24, 20201 min Read

Pinabilib ng 90 taong gulang COVID-19 survivor ang Philippine Heart Center health workers dahil bukod sa Coronavirus, Cancer survivor din siya.

Nitong 2013 lamang siya nakarecover sa sakit na cancer ngunit hindi natapos dito ang kaniyang pakikipagsapalaran dahil dinapuan din siya ng COVID-19.

Na admit ang survivor na si Natalia Vicente noong April 6 at nadiskubreng may Pneumonia. Nagpositibo siya sa virus at 44 na araw nanatili sa ospital.

Ikinagulat ni lola Natalia ang pagsalubong sa kaniya ng kaniyang pamilya dahil akala niya’y walang magsusundo sa kaniya. Ani niya pa,” Akala ko hindi na ako makakauwi.” Pinasalamatan niya ang mga frontliners na nag-alaga sa kaniya at sya ay nakabalik na sa kanilang tahanan sa Kamias, Quezon City.


Photo Sources: CTTO


It will make our day if you share this post 😊