Nangutang. Nahirapan. Naging Debt-Free!

Leonard in Tips and Advices

Feb 21, 20203 min Read

Siguro minsan mo nang ginawang biro ang mga katagang, “Dadaan lang ang pera sa aking palad.”

O kaya naman minsan ka na rin nag-rant, “Heto na naman, nagtratrabaho lang ako para sa mga bayarin.”

Hindi ka nag-iisa kapatid, marami sa ating mga Pilipino at iba pang nasyon ang may mga utang at nararamdaman ang hugot mo. Ngunit alam mo ba maaari kang makawala sa ganitong sitwasyon?

Eto si Alma

Hayaan mong ipakilala kita sa aking kaibigan na si Alma A. Santiano, 34 years old, at kasalukuyang nagtratrabaho bilang isang IT Specialist. Tulad mo minsan na rin syang nabaon sa utang, nahirapan, ngunit bumangon at ngayon ay debt-free na! Si Alma ay mabait na tao, mapagbigay sa kapwa—yung tipong minsan wala na siya pero bigay pa rin. Marami na rin syang mga negosyong pinasok ngunit di sya kumita at nagsara ang mga ito. Ang pinakamasaklap pa, nabiktima din sya ng scam.

Hindi madali ang pinagdaanan ni Alma. Nariyan na ang dumating ang panahon na bumaba ang kanyang self-esteem sapagkat wala na syang mukha na maihaharap sa mga kinauutangan nya kahit alam naman nya sa sarili nya na hindi sya tatakbo. Andyan ding naranasan nyang mamura, maaway at makagalitan ng napag-utangan nya. Nasa punto sya ng buhay na noon na pangungutang lamang ang nakikita niyang tanging solusyon upang makawala sa kasalukuyang sitwasyong pinansyal.

Para kay Alma ang mga panahong iyon ang pinakamasakit sa ulo at pinakanakakapagod na kung saan lahat ng pinaghirapan niya sa utang lang napupunta, at higit sa lahat—ang pinakamahirap—ay ang pagkawala ng peace of mind.

Paano kumawala sa mahirap na sitwasyon?

“Alam mo, pag dumaan ka sa matinding hirap, babaguhin ka. Hahanap at hahanap ka ng paraan para makaalis sa sitwasyon na kinalalagyan mo. Sinabi ko sa sarili ko nun, “I don’t deserve this. Hindi ito yung buhay na gusto ko. Alam ko may paraan para mabago ko yung buhay ko.”

Sa mga nangyaring ito kay Alma, hindi siya nawalan ng pananalig sa Diyos at patuloy syang humingi ng patnubay. Hanggang isang araw, isa sa kanyang mga kaibigan ang nagyaya sa kanya para sa isang libre na financial education talk. Doon nya natutunan ang tamang paghawak ng kanyang finances at naturuan rin sya kung paano nya unti-unting mababawasan ang kanyang mga kautangan.

“Masasabi ko na hindi yun naging madali, kasi, nandoon na yung mag sasacrifice ka, i-dedelay mo yung mga wants mo. Minsan, naiiyak nalang din ako noon kasi sobrang pagod na pagod nako kakabayad ng utang. Mahirap siya sa umpisa, pero, ganun talaga, proseso siya na kailangan pagdaanan kasi dun ka matututo. Hanggang sa paunti-unti, nakikita ko na papaliit nang papaliit na yung utang ko. Mas lalo ko minotivate yung sarili ko na tapusin or i-zero out yung utang ko. Hanggang sa naging zero debt nako. Doon, pinangako ko sa sarili ko na never nako mangugutang pa ulit.

Alam ni Alma ang hirap na pinagdadaanan ng isang taong nahihirapan sa kautangan, kaya naman ngayon isa na rin syang financial educator at nagbibigay ng coaching at techniques upang makatulong sa kapwa nya na nagnanais na makaahon mula sa pagkakautang. Ilan sa mga pamamaraan ay ang mga sumusunod:

  • List all of your debts kasama ng due dates mo at kung kelan ang salary dates mo. At dito ka mag-strategize ng pagbabayad sa utang.
  • Create a list ng expenses kasama na dun ang basic needs. Tingnan kung alin ang wants and needs. Tiis muna sa mga wants at iprioritize ang needs.
  • Find ways kung paano makakatipid (magbaon, maglakad, magpunta sa mga libreng galaan, etc.)
  • Kung kulang pa rin, find ways to increase your cash flow during your free time or spare time.
  • Follow SNOW BALL effect. Unahin yung maliliit at ipandagdag sa pambayad sa malalaking utang.
  • DISIPLINA SA SARILI ang kailangan o yung STRONG WILL mo para makaahon.

Kung kinaya ni Alma maging debt-free, kakayanin mo rin. Gaya ng kasabihan na “One Day or Day One, You Decide,” nasa iyong mga kamay ang iyong kapalaran na makaahon sa utang at kahirapan.


It will make our day if you share this post 😊