Ang Lucky Plaza sa Orchard Road
Iris Palma in Ang Pinoy Stories
Jan 04, 2020 • 3 min Read
Para sa mga Filipino foreign workers sa Singapore, ang Lucky Plaza sa downtown ay parang mini-Pilipinas.
Matatagpuan sa mall na ito ang mga pagkain, mga bagay-bagay, at services na hinahanap ng mga Pinoy. Punong-puno ng mga Pilipino ang mall araw-araw. Pag sapit ng Linggo, nagiging sobrang crowded ang lugar dahil sa mga dadagsang domestic workers. Magtatambayan sila sa palibot ng Lucky Plaza, gagawin ang mga errands tulad ng pagpapadala ng remittance sa mga pamilya, magbabaon ng nilutong mga pagkain, at makikipagtsikahan sa mga kapwa Pinoy. Ganyan lang naman ang buhay ng mga domestic workers pag Sunday—kitakits sa paligid ng Lucky Plaza with friends from their provinces. Simple pero masayang pagtitipon.
Ilang beses na nga ba silang pinapaalis sa paligid, maski sa katabing Paragon Building? Pero balik ulit pag nag-give-up na ang guards. Pasaway, ano? Walang panama ang pagiging istrikto ng Singaporean guards.
Maraming parks sa Singapore na maaaring puntahan ng mga domestic worker. Hindi nga ba’t isang malaking garden ang Singapore. Kahit saang sulok may park. Ayon sa Wikipedia, may 75 na parks at gardens sa Singapore. Basahin ang https://en.wikipedia.org/wiki/List_of parks_in_ Singapore. May mga tinatawag rin na view decks ang mga residential buildings. Madaming choices, sa totoo lang. May government agency na nagmi-maintain ng parks. Ito ang National Parks Board at may sariling website sa https://www.nparks.gov.sg/.
Pero bakit sa Lucky Plaza? Sa liit ng mall—think of Ali Mall sa Araneta City sa Cubao—at sa dami ng Pinoy sa Singapore, parang pinutakte ng mga Pinoy ang paligid ng Lucky Plaza. Napakasikip at napakaingay dito dahil sa mga nagsisigawan at pinagsamasamang boses.
Bakit nga ba sa walkway sila nagtitipon? Foremost na katanungan ito sa isipan ng karamihan. Wala bang ibang lugar na pwede nilang puntahan? Meron naman. Marami nga e. Choice nila ang magtipon doon at wala namang nagpapaalis sa kanila.
Baka iba talaga ang hatak ng lugar pag mga kabayan ang nakikita. Sa Lucky Plaza, feeling ng mga Pilipinong foreign workers ay nasa Pilipinas sila. Yun lang siguro ang isa sa mga acceptable na rason bakit karamihan sa mga Pinoy ay pinipili ang Lucky Plaza. They belong. Panlaban din nila ito sa homesickness.
Sadyang ganito talaga ang buhay. Hindi natin alam ang ending natin. May choices tayo pero hindi natin alam kung saan papunta ang choices na yun. Choice ng domestic workers na magtipon doon at wala namang nagpapaalis sa kanila.
Ang aksidente noong December 29, 2019 sa likod ng Lucky Plaza ay maituturing na freak accident. Makikita sa umiikot na video na nag-accelerate ang taxi after mag-U-turn at binangga ang mga nagtitipon na mga Pinay domestic workers sa walkway. Inararo at nahulog ang anim na Pinay at ang taxi sa exit driveway ng mall. Patay ang dalawang Pinay na sina Abigail Leste, 41, at Arlyn Nucos, 50. Nasaktan naman ang kapatid ni Arlyn na si Arceli Nucos, 56, kasama sina Egnal Limbauan, 43, Demet Limbauan, 37, at Laila Laudencia, 44.
Nguni’t may good thing na bunga sa aksidenteng ito. Maghihigpit ulit ang security sa mga commercial areas at pagbabawalan ang pagtitipon sa mga unsafe at undesignated areas. Susundin ito ng mga Pinoy…sa simula. Pero sana, matuto tayo na unahin ang safety ng bawat isa. Sana magkaroon tayo ng disiplina kahit saang lugar man tayo sa mundo.
Sana, Pinoy, sana.