Ang Magpakadalubhasa ay ‘Di Biro
Janet S. Cuenca in Ang Pinoy Stories
May 27, 2020 • 3 min Read
Walong taon na ang lumipas simula nang ako ay matanggap bilang iskolar sa PhD program ng Lee Kuan Yew School of Public Policy ng National University of Singapore, isa sa mga premyadong pamantasan sa Asya. Ika-15 taon ko naman sa trabaho noon bilang senior researcher. Walang pagsidlan ang aking tuwa.
Hindi ko naman talaga pinagplanuhang magpakadalubhasa. Dumating lang ako sa punto ng buhay ko na parang hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya sinubukan kong maghanap ng ibang trabaho o ng scholarship program para sa aking doctorate.
Ang panalangin ko noon ay ganito: “Kung alin po ang mauna, doon po ako. Kayo na po ang magdala sa akin kung saan ako nararapat.” Di ko talaga alam kung saan ako pupunta noon. Ang alam ko lang, kelangan kong umalis. Dasal ako nang dasal na ipagkaloob sa akin kung anong makabubuti sa akin.
Nauna kong nakuha ang liham mula sa eskuwelahan na maari akong makapag-aral nang libre at sasagutin nila lahat ng gastusin sa Singapore. Ito na ang sagot sa aking mga dasal. Ito ay isang pagpapala mula sa Kanya kaya kaagad ko itong tinanggap.
Makalipas ang mahigit na isang buwan, nakatanggap ako ng isa pang magandang balita. Ako ang nakuha para sa isang posisyon sa isang malaking institusyon. Nguni’t buo na ang aking desisyon noon na ako ay mag-aaral muli.
Agosto 2012 nang lumipad ako papuntang Singapore para simulan ang aking pag-aaral. Hindi naging madali sa akin ang mag-aral ulit. Kinailangan kong maglaan ng maraming oras sa pagbabasa. Sinamahan ko ng maraming panalangin ang aking pag-aaral. Sinikap kong makapagsimba araw-araw sa umaga bago pumasok o sa hapon pagkatapos ng klase.
Nagbunga naman ng maganda ang aking pagsisikap. Naipasa ko ang qualifying examinations noong 2014 kaya ako ay nakapagpatuloy sa pag-aaral. Agad kong sinimulan ang pagsasaliksik para sa aking thesis.
Hindi naging madali ang lahat dahil sa kakulangan ng datos para sa aking thesis. Nang ginagawa ko pa lamang ang aking research proposal, nalaman ko na maraming kulang na datos kaya sinubukan kong magpalit ng paksa subali’t hindi ako pinayagan. Kinailangan kong halughugin ang lahat ng maari kong pagkuhanan ng datos.
Pagkatapos ng apat na taon, umalis ako sa Singapore na hindi pa tapos ang aking thesis. Malungkot ang aking pagbabalik-trabaho dahil hindi pa tapos ang aking pag-aaral. Wala pa akong maipakita na diploma. Bagama’t binigyan ako ng pagkakataon ng opisina na ituloy pa rin ang pagsulat ko ng thesis, may iba pang mga tungkulin na inatas sa akin na dapat ko ring gawin kasabay pa ng mga personal na isipin sa pamilya. Damang-dama ko noon ang panghihina ng loob. Ang bagal ko. 2017 na. Hindi pa rin ako tapos.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, kinausap ako ng isang dalubhasa sa isang book launch noong May 2017 pagkatapos marinig ang hirap na dinaranas ko sa thesis. Nabuhayan ako ng loob nang sinabi ni Dr. Mahar Mangahas, president ng Social Weather Stations, na “addressing data gaps is too much for a thesis.” Mungkahi nya na kelangan lang pag-isipan kung paano gagamitin ang mga available na datos para sagutin ang isang isyu o problema. Sa simpleng salita, “make use of available data to address an issue.”
June 2017, kompleto na ang datos ko. Masigasig na pinagpatuloy ko ang pagsusulat hanggang sa natapos ko ang PhD thesis ko noong July 2019 — limang taon pagkatapos ma-aprubahan ito.
“Sa wakas, natapos din!” Ito ang aking naibulalas pagkatapos ng thesis oral defense noong Pebrero 20, 2020 sa Singapore.
Bagama’t may kailangan pang idagdag sa aking thesis, Dr. Cuenca na ang tawag sa akin. Ang sarap ng pakiramdam! Lahat ng pagod ko, biglang nawala. Nitong Mayo 22, 2020 ay masasabi kong natapos ko na ang mga dapat kong gawin.
Salamat sa Diyos! Hinihintay ko na lamang ang conferment ng degree sa akin sa mga susunod na araw o linggo at ganap na akong isang doktor —hindi nga lamang ng mga may sakit sa katawan o sa kaisipan.
Kalakip ng pagtanggap ko ng degree ang panalangin na magamit ko ito para makatulong sa ikakabuti ng ating lipunan at bansa.
Congratulations, Dr. Cuenca!
Congratulations Dr. Janet Cuenca! Pagpalain ka nawa ng Diyos sa mga susunod mong mga gawain. Mabuhay!!!
Dr. Janet Cuenca, ang masasabi ko lang ay “Kung may tiyaga, sa dulo ay may ginhawa, lalo na kung may kasamang taimtim na panalangin. Mabuhay ang mga Pilipinong nagpapakadalubhasa para sa ating bansa!!!
Congratulations Dr. Cuenca!
Dr. Janet Cuenca, ang masasabi ko lang ay “Kung may tiyaga, sa dulo ay may ginhawa, lalo na kung may kasamang taimtim na panalangin. Mabuhay ang mga Pilipinong nagpapakadalubhasa para sa ating bansa!!!”
Congratulations Dr. Cuenca!
Congratulations, Dr. Ateng! We’re all so proud of you! 🎉🎉🎉
Congrats syo Dr. Janet Cuenca. nakaka proud naman.God bless you!
Super proud of you sister! Congratulations!
Congratulations again, Janet!
Dr. Janet Cuenca… Congratulations mam! Kapag may tiyaga may nilaga! Of course, i know you mam, you have the guts and spirit! Am so happy for you mam. You deserve your title, you really worked for it with the guidance of God. You are blessed and you are very nice person! Am so proud as your friend mam! God bless!
I am so proud of YOU Congratulations Dr. Janet Cuenca!!!!!