Ang Rainbow Eucalyptus ng Mindanao

Joyce Ann Olindo in Health

Mar 12, 20201 min Read

Puno ng hiwaga at ganda ang ating kalikasan. Mamamangha ka na lamang sa mga nakikita mo, lalo na kung malalaman mo na mayroon pala nito sa Pilipinas. Isa rito ang rainbow eucalyptus na nagmula sa Mindanao.

Eucalyptus deglupta. Bagras. Mindanao gum. Ito ang karaniwang pangalan ng rainbow eucalyptus.

Ayon sa www.thetreeographer.com, ang rainbow eucalyptus ay native sa Pilipinas at ang natatanging eucalyptus na nabubuhay sa Northern Hemisphere. Katulad ng ibang eucalyptus, lumalaki ang rainbow tree hanggang 250 feet. Nangangailangan ito ng matinding sikat ng araw at temperature na hindi bababa sa 10°c.

Kaya ito naturingan na rainbow eucalyptus dahil sa makulay na trunk nito kapag nabalatan o nag-peel off ang barks nito. Kahit na makulay ang trunks nito sa mga puno na makikita sa iba’t-ibang lugar, nangingibabaw ang taglay na kakaibang kulay sa mga puno sa Mindanao.

Nagbibigay rin ang rainbow eucalyptus ng benepisyo sa kalusugan dahil ang dahon nito ay maaaring ilaga upang maibsan ang ubo, asthma, sugat sa katawan, lung infections, bronchitis, at throat problems. Sa ibang lugar nama’y pinanglulunas ito sa sakit na malaria.


It will make our day if you share this post 😊