Angel, Anne at Bea, naglunsad ng fundraising para sa mass testing

Joyce Ann Olindo in News and Updates

May 21, 20201 min Read

Binuhay muli ni Angel Locsin ang Shop and Share fundraising program kasama ang kaniyang co-stars na sila Anne Curtis at Bea Alonzo para makabili ng mga COVID-19 test kits at makapagsagawa ng mass testing sa Pilipinas.

Isasagawa ang Shop and Share 2020 upang mas mapaigting pa ang Trace-Test-Treat formula and to help flatten the curve.

Ayon sa post ni Angel,  “This time, with the funds we raise, we would like to purchase test kits and allow testing opportunities for the poorer sectors in the hopes of helping out in the efforts to provide mass testing in the country.”

Kakalap ang grupo ng mga personal items from celebrities na gusting mag-donate at ito ang isasama sa fundraising at kanilang ibebenta through auction sa mapipiling online shop.

Noong 2009, ginamit na ang Shop and Share na tinugunan ng mga artista at basketball players.  Dahil dito, nakapagbigay sila ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa pangunguna ni Angel Locsin.


Photo Source: IG of Ms Angel Locsin


It will make our day if you share this post 😊