Angel Locsin, Real-life Hero

Ang Pinoy Stories

Nov 02, 20191 min Read

Namataan kahapon si Angel Locsin kasama ang kanyang fiance na si Neil Arce sa Davao City na namimili ng relief goods sa NCC Mall para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. May mga iba’t-ibang pictures ang naglabasan sa social media habang ang aktres ay namimili.

Photo Source: Instagram of myforeveridol_angellocsin

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na tumulong o tumutulong si Angel sa ating mga kababayan kapag may mga pangyayring ganito. Maraming beses na naging real-life hero si Angel ng dahil sa kanyang ginintuang puso. Ang isa sa pinaka-huling insidente ay nung hindi sya umattend ng 2019 Star Magic Ball dahil mas pinili nyang i-donate sa Bantay Bata Foundation ang gagamitin nya sanang pera para sa kanyang gown.

Photo Source: Celebrity Story

Si Angel Locsin at Neil Arce ay pinasalamatan ng Philippine Red Cross Davao Del Sur Chapter Administrator na si Helen Del Cabert sa kanilang pagtulong sa oras ng ganitong sakuna.

Photo Source: Instagram of myforeveridol_angellocsin

Matatandaan na nung October 29, 2019, nakaranas ng lakas na magnitude 6.6 na lindol ang Cotabato City kung saan 8 ang naitalang patay at higit kumulang 50 ang nasaktan. Ang lindol ay naramdaman din sa Davao at iba pang bahagi ng Mindanao. Nung October 31, 2019, nagkaroon ulit ng magnitude 6.5 na lindol sa pareho pa ring lugar.


Photo Source of Featured Image: Celebrity Story


It will make our day if you share this post 😊