Angeline Quinto and K Brosas, Nagka-Covid

Entertainment

Apr 11, 20211 min Read

Si Angeline Qunto and K Brosas ay parehong nagkuwento sa social media ng kani-kanilang journey sa pagkakaroon ng covid.

Si Angeline Quinto ay nagkuwento ng kanyang Covid-19 journey through her YouTube Channel.  Sinabi nya na nagpa-test sya noong March 26, 2021 dahil nagpalit sya ng make-up artist. Hinala nya na sya ay nahawa ng temporary make-up artist dahil nakakuwentuhan nya ito at minsan na ring nakasabay sa hapag kainan. Ang temporary make-up artist ay nag-positibo sa covid-test kaya nanegurado na rin syang magpa-test at lumabas nga na sya ay positive.  Agad syang nag-self quarantine at pina-test ang kanyang mga kasama sa bahay. Laking pasasalamat naman niya sa Diyos na lahat ay negative.  Si Angeline ay na-clear at nag-negative sa Covid-19 noong April 8.

Samantala, si K Brosas naman ay naglabas ng Covid-19 journey nya through her Instagram post.  Kinuwento nya na nag-isolate sya ng 17 days para maseguradong negative na sya.  Sabi nya mild symptoms lang ang mga naramdaman nya pero iba ang mental torture at praning feels.  Dagdag pa nya na hindi nya alam talaga kung saan nya ito nakuha kasi pag pumupunta sya sa supermarket ay full gear naman sya.  Despite of her situation, malaki pa rin ang pasasalamat nya na maswerte pa sya dahil mild symptoms lang ang naranasan nya compared sa iba na talaga namang kawawa.  Ang kanyang anak at driver ay parehong negative at sila lang ng assistant nya ang nag-positibo sa Covid-19.

Si Angeline and K ay parehong may advice na be safe and be healthy.  Alagaang mabuti ang ating mga katawan at laging magdasal.


Photo Sources:  YT of Angeline Quinto and IG of K Brosas


It will make our day if you share this post 😊