Ano ang Mental Health Status mo?

Leonard in Health

Feb 02, 20203 min Read

“Ang rupok mo naman, para sakit lang nagkakaganyan ka.”

 “Nababaliw ka na, kaya siguro din kumokonsulta ka sa psychologist na yun.”

“Wala ka lang pananalig sa Diyos kaya ka nagkakaganyan.”

“Napaka-nega mo lang kaya ka nadidepress.”

Ilan lang ang mga salitang ito na narinig ko sa aking mga kapamilya at kaibigan as soon as nalaman nila na nagpa-psychotherapy ako gawa ng anxiety ko. Masakit, pero hindi lang naman sa Pilipinas nagkakaroon ng mga ganitong judgements. Around 450 million people around the world are suffering from mental issues and two-thirds of these people never consulted any medical doctor gawa ng stigma sa komunidad.

Ang mental health ay isang napakahalagang aspeto ng ating pagkatao. Ito ay binubuo ng ating psychological, emotional, at social being. Kapag stable ang ating mental health, magkakaroon tayo ng maayos na coping skills against stress, magkakaroon tayo ng clear thinking para makapagdesisyon nang maayos,  at magkaroon ng maayos na relasyon at pakikisama sa mga taong nakapaligid sa atin.

Maraming kadahilanan kung bakit nagkakaroon tayo ng mental health problems:

  • Maaring biological kung saan may mutation sa ating genes or yung chemistry component ng brain natin ay may problema.
  • Maaari ring magkaroon ng mental health problems kapag ang isang tao ay na-expose sa isang traumatic na pangyayari o kaya naman ay nakaranas ng isang pang-aabuso.
  • Maaari rin na namamana sa pamilya ang sakit na ito.
  • Maaari ring environmental, kung saan napupuno ng stress o may mga memorya at factors na nagdudulot ng lubos na kalungkutan o damdamin ng pag-iisa.

Ang mga sintomas ay maaaring hindi pare-parehas sa bawat case. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sintomas:

  • Kawalan ng tulog o sobrang tulog.
  • Pag-iwas sa mga peers at kawalan ng gana gawin ang mga activities.
  • Laging pagod.
  • Kawalan ng pakialam sa kapaligiran at mga kasamahan.
  • Nawawalan ng pag-asa.
  • Napapadalas ang paninigarilyo, pag-inom at nakakagamit ng droga na hindi naman normal.
  • Nakakaranas ng kakaibang pagkagalit, pagkaliyo, pag-aalala at pagkatakot.
  • Pagkakaroon ng madalas na pag-aaway sa kapwa, kapamilya at kaibigan.
  • Di maintindihang kadalasan ng pagbabago ng mood na nagsasanhi ng misunderstanding sa relasyon sa kapwa.
  • May mga salita at bulong na naririnig.
  • Naiisipang saktan ang sarili at nagagawa rin na saktan ang sarili.

May iba’t ibang pamamaraan upang madiagnose nang tama ang mental health ng isang tao. Ang unang hakbang ay ang pagkonsulta sa psychologist. Isa sa naging adhikain ng World Health Organization ang maging accessible sa lahat ang mental health consultation. Ang pagtugon ng Pilipinas rito ay ang pagkakaroon ng mga facility na nagbibigay free consultation at ang iba naman may kasama na rin medical needs.

Kung ikaw ay nakaranas ng mga sintomas o may napansin na pagbabago sa iyong sarili na unusual maaaring sumangguni sa mga sumusunod:

  • Psychotrauma Clinic, University of Sto. Tomas, Manila | (02) 406-1611 local 4012 | ustgsptc@yahoo.com | Tuesdays to Saturdays, 10:00 am – 5:00 pm (except holidays, school breaks and class suspensions)
  • Psychiatry and Behavioral Medicine Department, Philippine General Hospital, Manila | (02) 554-8400 loc. 2346 or2440; (02) 554-88470, (02) 526-0150, (02) 554-8469 | 24 Hours
  • CEFAM, Ateneo de Manila University | (02) 426-4289  up to 92
  • Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Marikina City | (02) 941-6289 | Mondays to Fridays 8am to 5pm
  • Batangas Medical Center, Batangas | (043) 740-8307 | Mondays, Wednesdays and Thursdays 8:00 am to 5:00 pm
  • Cainta Municipal Hospital, Cainta | (02) 696-2604 | 24 Hours
  • Eastern Visayas Regional Medical Center, Tacloban City, Leyte | evermcmccoffice@gmail.com
  • National Health Center for Mental Health (NCMH), Mandaluyong | (02) 531-9001, (02) 531-9002 | Mondays to Fridays except Thursdays

Remember that you are not alone in this journey. Huwag kang matakot na magbukas ng saloobin mo, kapatid. Katulad mo, natakot rin ako, nagulumihanan but with consultation and proper therapy, makakaahon din tayo.


It will make our day if you share this post 😊