Bald is Beautiful

Leonard Santiago in Ang Pinoy Stories

Feb 07, 20223 min Read

May kasabihan na our hair is our crowning glory. Maaring nasabi sa ‘yo ng nanay mo or ng lola mo na ang buhok mo ang nagdadala ng kagandahan ng mukha mo. Marami rin sa ating mga kababaihan ang super alaga ang kanilang mga buhok. Hindi lang shampoo at conditioner ang ginagamit, talagang may keratin treatment and hair spa rin.

Ngunit, paano kung isang araw ay mawalan ka ng buhok?

One of my friends who had arthritis told me that she had alopecia as a result of the medication she’s taking for arthritis. Her medications are similar to mine.

Hair loss is very familiar and distressing for me dahil sa lupus ko. Hindi ko inakala na isang araw ay gigising na lang ako at napakarami na ang nalagas na buhok ko.

I looked at the mirror, I asked myself, am I ready for this? Baka magmukha akong lalaki. Lalo na’t kamukha ko ang real dad ko. Baka tingnan ako ng ibang tao palagi or baka majudge ako.

Dahil ayaw kong harapin araw-araw ang stress na unti-unting mawawala ang buhok ko, I decided to go kalbo. Buzzcut actually. I’d rather have the feeling of waiting for my hair to grow than to slowly lose it.

I still remember my first barber, si Kuya Deiter. He asked me kung iti-trim ba tulad ng mga police na babae. Sabi ko he needs to shave it pero make sure mukha pa rin akong babae. Natawa sya. Tinanong pa nya ako kung sigurado na ba ako. Bakit raw? I explained to him that I have to undergo chemo at para umiwas sa paglalagas. Habang kinakalbo nya ako, papikit-pikit ang mata ko. Pinipigil ko ang pag-iyak. Gusto ko umiyak, not because I was losing my hair, but because I was looking at someone who was fighting a medical condition. I wanted to be brave.

Lumipas ang ilang araw, narealize ko na mas marami palang maintenance ang kalbo. Some of my friends who saw me bald called me kalbo. Tapos yung iba naman, pogi raw ako at bagay pala maging kalbo. Nakakatawa ang mga comment.

Pero as the days go by, ang pagiging kalbo sa akin ay nagkaroon ng mas malalim na kahulugan. Araw-araw sa paggising ko, tuwing tumitingin ako sa sa salamin, ang nakikita ko ay isang babaeng maganda, hindi lamang sa panlabas.

Ang nakikita ko ay isang babae na napakatapang. Sa kabila ng hinagpis, paghihirap, at lungkot sa pakikipaglaban sa buhay, siya’y patuloy sa pagharap sa mga dagok ng mga pagsubok. Isang babaeng may malaking pagmamahal hindi lamang sa sarili nya kundi sa pamilya at sa kapwa nya.

Di ko akalain na lalalim pa ang pagkakilala ko sa sarili ko. Ang pagiging kalbo ko ay naging daan upang maging mas mapagmahal at mas mapaghalaga pa sa mga tao na nakapalaigid sa akin. Naisip ko na patunay ito na ang kagandahang panloob ang syang tunay nating taglay na kagandahan.


Si Leonard ay isang lupus warrior, nagtatag ng Live, Love and Hope Community at author ng The Happy Plate for Happy Patients


It will make our day if you share this post 😊