Bela Padilla, nominado sa 15th Seoul International Awards 2020
Joyce Ann Olindo in Entertainment
Aug 07, 2020 • 1 min Read
Inilabas na ng Seoul International Drama Awards ang mga nominado sa nalalapit na 15th Awards Night na gaganapin sa September 15, 2020. Nominado bilang best actress si Bela Padilla sa kanyang pagganap bilang Juris sa crime and drama series na “Sino ang may sala?” na ipinalabas sa ABS-CBN.
Makakalaban ni Bela sa 15th Seoul International best actress award sina: Imelda Staunton ng Britain, Taiwan’s Shu-qin Ke, Czech Republic’s Zuzana Stivinova, and South Korea’s Si-Eun Park, Hyo-Jin Kong, and Ji-Eun Kim.
Nominado rin mismo ang palabas na internationally known as “Mea Culpa” sa serial drama category. Ayon sa organizers, 212 entries out of 41 countries ang lumahok sa nasabing patimpalak.
Ipalalabas sa via live stream ang awarding ceremony na tanging local nominees lamang ang audience.
Photo Source: IG of Mr. Deo Edrinal