Dimples Romana, nagregalo sa mapag-kalingang kasama sa bahay

Entertainment

Oct 18, 20201 min Read

Sinorpresa ni Dimples Romana kasama ang kanyang asawa na si Boyet, ang kanilang kasama sa bahay na lubos na pinagkakatiwalaan at itinuturing ng isang pamilya, na si Ate V.

Sa instagram post ni Dimples, binanggit nya na “Paano nga ba tayo lubos na makakapagpasalamat sa mga taonong tinuring na nating pamilya?  Mga taong hindi tayo iniwan meron man tayo o wala. Mga taong inaalagaan tayo sa araw araw at ang ating mga pamilya ng buong puso at malasakit.  Sa Gabay at awa ng Diyos, sa daming dasal, dumating na ang panahon na pinapangarap ko lang dumating. Maibabalik na namin sayo ate V ang maraming panahon na serbisyo mo sa amin na para bang mga kapatid mo na kami. Mahal na mahal ka namin ❤ Sana nagustuhan mo.”

Niregaluhan nga ng mag-asawa si Ate V ng isang two-storey house dahil sa pagseserbisyo nito sa kanila.

Habang pinapanuod mo ang video na kasama nina Dimples si Ate V ay di mo maiwasang maging emosyonal dahil ramdam mo ang kanilang pagmamahal at malasakit sa isa’t-isa.

More blessings for you, Dimples at masaya kami para sa iyo, Ate V.


Photo Source: IG of Ms. Dimples Romana


It will make our day if you share this post 😊