Dingdong at Jennylyn sa remake ng Descendants of the Sun
Joyce Ann Olindo in Entertainment
Dec 29, 2019 • 1 min Read
Pagbibidahan ni Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang much awaited Filipino adaptation ng Descendants of the Sun (DoTS) na ipalalabas this coming 2020 sa GMA telebabad.

Ang Korean TV series na ito ay naipalabas na sa nasabing network noong 2016. Pinagbidahan ito ni Song Joong-ki and Song Hye-kyo na dating real-life couple at ngayo’y divorced na.

Bukod kay Dingdong na gaganap bilang si Captain Lucas o Big boss at kay Jennelyn na gaganap bilang Dr. Maxine Dela Cruz, makakasama rin sa DoTS sina Rocco Nacino as Sergeant Major o Wolf at si Jasmine Curtis bilang si Captain Moira Defensor.
Nailabas na ang trailer ng DoTS remake noong December 22 at inaasahang ipalalabas sa first quarter ng 2020.
Photo Sources: IG of Jennylynactivity | IG of pelikulamania