Dingdong Dantes, mamuno sa League of Filipino Actors
Joyce Ann Olindo in Entertainment
Jul 05, 2020 • < 1 min Read
Si Dingdong Dantes ang napiling mamuno sa bagong tatag na samahan ng mga artista, na magiging boses pagdating sa isyu sa kanilang industriya, lipunan at pang kabuuan.
Ilan sa mga miyembro ng League of Filipino Actors ay sina: Angelica Panganiban, Richard Guttierez, Iza Calsado, Joem Bascon, Gabby Eigenmann, Jasmin Curtis-Smith at marami pang iba.
Kabilang rin sila sa Inter Guild Alliance na nagsusulong ng extensive guidelines para sa mga miyembro ng Entertainment Industry.
Ilan ang ABS-CBN Franchise Renewal at Anti-Terror bill sa mga isyu na nais nilang talakayin.