Ivana Alawi, Mabuting Puso
Mar 21, 2021 • 4 min Read
Bibihira ako manuod ng videos sa YouTube Channel ni Ivana Alawi. Sa mga ilan-ilang videos na napanuod ko sa kanya, ramdam at makikita mo ang pagiging authentic nya at pagkakaroon ng mabuting puso. Naalala ko noong binigyan nya ng regalo na sasakyan ang kanyang ina at lupa naman para sa kapatid na lalaki, mararamdaman mo na ang importante sa kanya ay kung paano nya mapapasaya ang kanyang pamilya.
Few days ago, naglabas ng panibagong video si Ivana na may title na “Prank on Strangers on the Street.” Sa totoo lang, hindi ako fan ng pagpa-prank. Hanggang ngayong araw, nakita ko sa Instagram ang post ng isang celebrity with a comment na “It’s the most inspiring thing that I’ve seen in a long time.” Naintriga ako, I opened it in YouTube and ang sumunod ay hindi na ako gumalaw sa kinauupuan ko.
Sa kuwento ni Ivana, she believes in “In life, pag nagbigay ka, laging binabalik ni Lord yun. Naniniwala ako na what goes around, comes around.” She mentioned na “marami pa rin sa atin ang mababait at may mabubuting puso.”
Sa video na yun ay nagbihis pulubi sya, may dalang karatula na “Tulong lang po.” “Pamasahe para makauwi na ako ng Baguio… Pls po.” Sabi nya na kung sino ang magbibigay sa kanya ay ita-times 1,000 nya.
– Ang unang nagbigay kay Ivana ay si Sir Jeffrey, isang lalaki na nakaupo sa isang waiting shed. Binigyan nya si Ivana ng Php2.00 at sabi nga nya ay yun lang ang pera nya, at kung meron pa sya, magbibigay sya. Noong tinanong sya kung nagbibigay talaga sya sa mga pulubi, ang sagot nya ay “kung meron, oo at kung wala, wala.”
– Ang pangalawang tao na nagbigay kay Ivana ay si Sir Dodong, nagtatrabaho sa isang gasoline station. Sabi nya kay Ivana, “sampu lang ha, la pera eh, pang-meryenda ko kasi to.” Noong binigyan sya ni Ivana ng reward nya, sabi ni Sir Dodong na, “masaya ako at hindi ko paramdaman ang feelings ko kasi nagulat ako.”
– Ang ikatlong tao naman ay si Sir Rogin, isang vendor na may mga sari-saring paninda na nakalagay sa parang kariton na tinutulak nya ito. Nagbigay sya ng Php10.00 at noong tinanong sya kung bakit sya nagbigay, “parang tulong lang, kahit pabarya-barya lang, naawa ako kasi mahirap ang buhay.”
– Ang ikaapat na tumulong ay si Ms. Elin, isang Barangay volunteer. Sya ay nagbigay ng Php20.00 at sinasabihan pa nya si Ivana na sumama sya sa bahay noong isang kasamahan nya para makaligo. Noong tinanong sya kung bakit sya nagbigay, ang maikling sagot nya ay “pangkain mo.”
– Sa sumunod na lugar na isang park ay may tatlong taong tumulong sa kanya, si Nanay na nagbigay ng Php5.00, isang mani vendor na nagbigay ng “Mani” at si Sir George na isang painting vendor na nagbigay ng Php20.00 at nagsabing, “bente lang ha kasi wala pang benta.” Sabi ni Sir George, “pag me kaunting akong pera, nagbibigay talaga ako kasi naawa ako.”
– Ang sumunod naman ay isang vendor ng mga oranges. Binigyan nya si Ivana ng 2 pirasong orange at noong kinakausap sya ni Ivana, ang sabi nya lang ay sige lang, sige lang po at sayo na yan.
– Sa pang-anim na lugar na pinuntahan nya ay nakilala nya si Sir Bunso na taga-Surigao, isa ring vendor. Kuwento ni Sir Bunso na kakahuli lang sa kanila kasi “bawal daw magtinda” doon sa area at kinuha pa ang kanilang payong atbp. Si Sir Bunso ay nagbigay ng Php5.00. Kung bakit sya tumulong, kapag meron sya, nagbibigay talaga sya.
– Ang huling tao na tumulong kay Ivana ay si Sir Joselito Martinez, isang puto at kutsina vendor na umuuwi sa Muntinlupa. Binigyan nya si Ivana ng Php20.00, kutsina, at gusto pa sya bilihan ng coke o mineral. Kung bakit nya tinulungan si Ivana, sabi ni Tatay Joselito, “wala ka kasing mauuwian, tao rin tayo, at Pilipino tayo.”
Tunay ngang marami pa ring Pilipino ang mayroong mabubuting puso. Si Ivana ay isa sa maraming Pilipino na may mabuting puso. Sana marami pang “Influencers” ang makatulong sa kapwa, kahit sa anong maliit na paraan. If you want to watch the entire video, go to YouTube and search for Ivana Alawi. As of this writing, it has now 14 million views.
Photo Source: YT of Ms. ivana Alawi