Jackie Forster, Happy Mama

Entertainment

Jul 07, 20201 min Read

Nakakatuwang tingnan ngayon ang mga pictures na pino-post ni Jackie Forster sa kanyang Instagram account. Si Jackie nga larawan ng isang Happy Mama.

Noong mga nakaraang taon, mababasa mo sa kanyang IG ang mga post nya patungkol sa pangungulila nya sa kanyang dalawang anak na sina Andre and Kobe Paras sa dati nyang asawa na si Benjie Paras. Kung ikaw ay isang ina, seguradong maantig ang puso mo at di mo matatawaran ang kanyang pinapakitang katatagan dahil alam nya na dadating ang araw na magiging okay din ang lahat sa kanila ng kanyang mga anak. Inamin nya na hindi sya perkektong ina pero mapapansin mo na gumagawa sya ng paraan para makabawi.

More than a year ago ay nag-post si Jackie ng picture na kasama nya si Kobe Paras. Sinabi nya dito na “I felt God’s hand removing the stitches that were placed on the broken parts of my heart to show me that I am whole ❤️ It’s been a year since.”

Bagama’t okay na sila ni Kobe at nakakasama nya na ito, hinintay pa rin nya ang panahon na maging okay na rin sila ng panganay nyang anak na si Andre Paras.

Noong May 24, 2020, nag post sya sa kanyang Instagram ng picture ng kanyang mga anak at ngayon nga ay kumpleto na. May caption ito na “Birthday Quarantine… but make it complete ❤️ #heartisfull”

Marami ang natuwa at more than four  thousand ang comments sa post na iyon.

Ngayon nga ay regular mo ng makikita sa Instagram posts nya ang pictures ng mga anak ni Jackie kasama na si Andre Paras.

We are happy for you, Jackie dahil ikaw nga ay isa ng Happy Mama.


Photo Source: IG of Ms. Jackie Forster


It will make our day if you share this post 😊