Janella Salvador and Markus Paterson’s Exclusive with Maja Salvador

Entertainment

Jan 07, 20212 min Read

Katatapos lamang ng “Exclusive Interview” ni Maja Salvador sa bagong parents ngayon na sina Janella Salvador and Markus Paterson.

Sa halos isang oras na exclusive interview ni Maja tungkol sa journey ng dalawa, courtesy of Starmagic, maraming revelations sina Janella and Markus.

Ang love story ni Janella at Markus ay nag-umpisa noong mag guests sila sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya.” Noong panahon na yun, si Markus ay may mga dine-date pa din ng ibang girls. Isang araw, naisipan ni Markus na mag direct message ke Janella para mangumusta and the rest is history.

Bago mag pandemic last year, nagbakasyon ang dalawa sa Boracay at dito nga ay nalaman nila na buntis si Janella. Isa sa mga unang sinabihan nila noon ay si Maja dahil halos kakatapos pa lang ng kanilang teleserye na “The Killer Bride.” Banggit pa ni Janella na napaiyak daw si Maja sa balita nya.

Tinanong ni Maja ang journey ng pagbubuntis ni Janella at ang banggit nya ay wala syang naalalang pinaglihian at noong panahon na yun, talaga namang alagang-alaga sya ni Markus lalo na pagluluto ng mga foods. Dagdag pa nya, na bukod sa kanyang parents na sina Juan Miguel Salvador at Jeanine Desiderio, marami rin silang malalapit na kaibigan na talagang umalalay sa kanila.

Isa sa hindi  makakalimutan ni Janella ay noong panahon na nag-labor sya sa England dahil halos tatlong araw daw ito. Tatlong beses din syang pabalik-pabalik sa hospital bago tuluyan ng lumabas si Baby Jude. Binanggit ni Markus na noong panahon na yun, bigla ring nag-iba ang perception nya sa buhay. Dagdag nya na totoo pala yun na nagkakaroon ka ng pakiramdam na lahat ay gagawin mo para sa anak mo.

Sa ngayon, habang nasa England, take turns sila sa pag-aalaga kay Baby Jude. Pero naikuwento nila na ang Mommy Jeanine ni Janella ay naka-duty kay baby Jude pag umaga hanggang hapon.

Congratulations ulit, Janella and Markus!


Photo Source: YouTube of Starmagic


It will make our day if you share this post 😊