Local Celebrities who were engaged in 2019

Joyce Ann Olindo in Entertainment

Jan 05, 20203 min Read

Kahit career ang priority ng karamihan sa ating mga favorite celebrity, hindi pa rin sila nakaligtas sa pana ni kupido dahil ang ilan sa kanila’y engaged na! Kung nahuli ka sa balita, inihahatid namin sa inyo ang local celebrities who got engaged in 2019.

1. Angel Locsin at Neil Arce

Ibinalita ng dalawa ang kanilang engagement sa social media noong June 29 with captions, “We’re engaged! Waaaah,” sa instagram ni Angel.

Photo Sources: IG of Angel Locsin and Paolo Nierves

Pinost din ng movie producer na si Neil Arce sa kanyang instagram ang balita with a caption, “Thank you for allowing me to be with you, take care of you and most of all love you for the rest of my life.”

Naging magkasintahan si Angel at Neil noong Feb. 2018 at pinaplanong magpakasal sa taong 2020 ngunit wala pang eksaktong petsa.

2. Juancho Trivino at Joyce Pring

Naging magkasintahan ang Kapuso actors na sina Juancho at Joyce Pring noong May 2019 at engaged na after 3 month ng parehas na taon.

Photo Source: IG of Joyce Pring

Sinasabing sa Boracay raw naganap ang proposal ni Juancho noong August 3, 2019 ngunit isinapubliko lang ito ng dalawa noong November 27.

3. Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

June 19, 2014 noong kumpirmahin ni Sarah ang kaniyang relationship with Matteo. Mahigit 5 years nang magkasintahan ang 31-year-old singer-actress, Sarah G. at 29-year- old actor at AFP Reserve 2nd Lieutenant na si Matteo.

Photo Source: IG of Matteo Guidicelli

Natuwa ang lahat sa post ni Matteo noong November 7 sa kaniyang instagram account together with Sarah na may suot na singsing at pabiro siyang sinasakal. Akala ng karamihan ay isa lamang itong ordinary photo pero nakumpirmang engaged na ang dalawa nang magbanggit ng  “congratulations” ang mga celebrity na malalapit sa kanila.

4. Sam Pinto and Anthony Semerad

Engaged na noong August ang Kapuso actress na si Sam Pinto sa PBA player na si Anthony Semerad habang sila’y nagbabakasyon sa Australia.

Photo Source: IG of Sam Pinto

Balak ng dalawang 2021 na magpakasal dahil pauunahin muna nila ang kakambal ni Anthony na si David Semerad this 2020.

5. Gwen Zamora at David Semerad

Memorable ang proposal ni PBA Player David Semerad, Filipino-Czech basketball player ng Talk ‘n Text para kay Gwen Zamora dahil bukod sa gender reveal ng kanilang first baby ay may sorpresa pang singsing ang PBA player.

Photo Source: IG of David Semerad

Balak nang magpakasal ng dalawa this 2020.

6. Geoff Eigemann and Maya Flores

From my girlfriend, to now my fiancé. A new chapter begins,” posted by Geoff Eigenmann sa kaniyang instagram picture with his singer girlfriend, Maya Flores.

Photo Source: Geoff Eigenmann

Ang engagement ay naganap noong April 15, halos isang taon matapos nilang i-welcome ang kanilang first baby.

7. KZ Tandingan at TJ Monterde

Recent lang ito dahil December 30 nang ianunsyo nila through their instagram accounts ang kanilang engagement.

Photo Source: IG of KZ Tandingan

Nagpost si TJ ng picture kasama ang long-time gf at first X-factor champion, KZ Tandingan with a caption, “and Thank you God, for my wife to be. ❤”

8. Ina Feleo and Giacomo Gervasutti

Nakakatuwa ang caption ni Ina sa kaniyang instagram post noong July 17 na, “Omg di ako tatandang dalaga whattt #shookt,” matapos ang proposal ng italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti.

Photo Source: IG of Ina Feleo

Dalawang taong magkasintahan ang dalawa at long-distance relationship pa.

Talagang kakaiba nga ang engagement bandwagon ng 2019. But aside from that, nakatutuwang isipin na nahanap na ng ating favorite local artists ang kanilang the one. Sana all!!!


It will make our day if you share this post 😊