Lolo, ibinigay ang napaglimusang pera sa simbahan

Joyce Ann Olindo in Ang Pinoy Stories

May 08, 20202 min Read

Nag viral ang facebook post ng San Felipe Neri Parish – Mandaluyong matapos nilang isalaysay ang makabagbag damdaming kuwento ni Tatay Francisco Lopez na isang street dweller.

Ayon sa post, naghihintay raw sa labas ng kumbento si Tatay Francisco na akala nila’y hihingi ng tulong.

Hiningi nitong makausap ang pari na si Fr. Hans Magdurulang at laking gulat ng mga taga simbahan nang mag-abot ito ng isang bugkos ng pera na nagkakahalagang 3,000 pesos.

Ayon sa interview kay Father Hans ng DZMM, “Sabi niya lang po sa akin:   “Father, ibibigay ko lang po, baka kunin po kasi sa akin.  Ibinigay ng tao sa akin ng mga dumadaan at gusto ko po ibigay kung saan po magagamit kasi baka kunin lang sa akin,” ani ni Tatay Francisco. 

Nang tanungin kung ano na ang kaniyang magiging panggastos, inalog ni tatay ang kaniyang bulsa at sabay sabing mayroon pa naman syang mga barya.

Sinubukang ibalik ng pari ang pera ngunit ayaw niya na ito tanggapin. Ayon kay tatay, idagdag daw ang perang ibinigay niya para sa mga tinutulungan ng simbahan.

Labis na naantig ang puso ng netizens at nagbigay ng kaniya-kaniyang pasasalamat kay tatay Francisco:

“He was like the poor old woman who gave coins despite her difficult situation in the Bible.  A true generous person is selfless and is a child of God. Reward awaits in heaven, Tatay!”

“What a way to express one’s unconditional love for the rest of humanity. Be blessed, tatay Francisco.”

“Truly indeed, “those who have less in life gives more” God bless you Tatay Francisco.”

Nagbigay rin ng huling mensahe ang simbahan para sa lahat. “Nakalulugod makita ang isang taong halos walang-wala rin at higit na nangangailangan pero mas piniling ibahagi ang natitirang mayroon siya para sa simbahan.”


Photo Source:  FB of Radio Veritas Legazpi


It will make our day if you share this post 😊