Love Teams Sa Star Magic Ball
Sep 13, 2019 • 2 min Read
Marami na nga ang nag-aabang kung sinu-sino ba talaga ang magkakasama at magkakapareha sa Star Magic Ball ng ABS-CBN Star Magic na gaganapin bukas, September 14, 2019. Ang Star Magic Ball ang isa sa pinaka-glamorosong selebrasyon na inaabangan ng mga tao sa loob at labas ng showbiz.
Sa mga nakalipas na araw, ang dalawang loveteams ng Kadenang Ginto sa ABS-CBN ang isa sa mga pinag-usapan dahil na rin sa kanilang paraan kung paano nila inimbita at seguradong mapasagot ng oo ang inaasam-isam na makasama sa Star Magic Ball.
1. Kyle Echarri at Francine Diaz
Marami ang nagulat at namangha sa paraan ng pag-imbita ni Kyle kay Francine. Bagama’t lumaki sa abroad si Kyle, inimbita nya si Francince sa pamamagitan ng harana. Bago pa man naganap ang kanyang pagharana, nagpaalam muna sya sa mga magulang ni Francince at sineguradong papayag ito na sya ang makasama sa Star Magic Ball.
Kyle Echarri – “It took me awhile to decide on the right place and time to do the date proposal but it only took me a second to know it is YOU I want to take to the ball.
So many occasions I could have done it but something always came up. So many nights thinking how I’d pull it through then realized I can’t let it stall any longer, so I decided however it’ll end & whenever it’ll be, I’d do it for I want your first ball to be with me. # Harana.
Thank you for the honor of being your date to your first ABS-CBN Ball. It is my first too, with a date.
I’d want this to be special for the both of us. Let’s make memories of the wonderful night t would be; YOU & ME with everyone in our ABS-CBN Family.”
2. Seth Fedelin at Andrea Brillantes
Nasorpresa si Andrea Brillantes sa paraan na ginawa ni Seth Fedelin para yayain sya sa nalalapit na Star Magic Ball. Ang kuwarto ay napuno ng mga balloons at bulaklak at may bonus pa na arrow at hugis puso na ginawa mula sa mga petals at kandila.
Andrea Brillantes – “First time experiencing a surprise like this!! Thank you potchi! Syempre di naman ako tatanggi ng maging partner mo sa ASB-CBN Ball lakas mo sa akin eh.”
Credit to IG picture of Kadenang Ginto @kadenangginto for the featured image.