Manila Bay, nagkulay turquoise

Joyce Ann Olindo in News and Updates

Mar 30, 20201 min Read

Usap-usapan ngayon sa Social Media ang biglaang paglinaw ng Manila Bay habang nasa ilalim ng quarantine ang buong Luzon.

Iba’t iba ang palagay ng mga netizens ukol sa biglaang pagpapalit ng kulay ng nasabing anyong tubig. Ayon sa ilan, luminis raw ang Manila Bay dahil walang polusyon sa paligid nito noong mga nakaraang araw. Sabi rin sa caption ng ilang shared post, “Nature heals itself” daw.

Ngunit suspetsa ng Philippine Coast Guard, polusyon ang nasa likod ng lahat ng ito.

Polusyon din ang palagay ng ilang netizens. Ayon sa kanila, ito raw ay bunga ng chlorine na ang sanhi ay pag discharge ng mga hotels ng kanilang swimming pool water sa Manila bay.

Sa ngayon ay inoobserbahan at iniimbestigahan ng DENR at ilang environmentalists ang tunay na lagay ng nasabing bay.


Photo Sources: CTTO


It will make our day if you share this post 😊