Marcelito Pomoy, binigyan ng bagong bahay ang isang lola na walang pamilya

Rose May Pimentel in Ang Pinoy Stories

May 15, 20201 min Read

Sa gitna ng krisis ngayon, pinatunayan ng singer na si Marcelito Pomoy na bukod sa kanyang magandang boses ay mabuti rin ang kanyang kalooban matapos pagawaan nya ng bagong bahay ang isang matandang babae na namumuhay mag-isa sa Calauag, Quezon.

Sa Youtube video ng America’s Got Talent: The Champions finalist, ikinuwento nito kung paano niya nakilala ang matanda na nagngangalang Lola Aurora Verano at kung bakit nagdesisyon syang pagawaan ito ng bahay. Ayon kay Marcelito, nakilala niya raw ang lola matapos mabasa nya ang viral Facebook post ng netizen na si Aiza Hernandez, kung saan ibinahagi nito ang kaawa-awang kalagayan ni Lola Aurora sa kanyang tinutuluyang bahay.

Ani Marcelito, alam niya raw ang pakiramdam ng mamuhay malayo sa pamilya dahil produkto rin siya ng broken family.

Sa Youtube video rin ng singer ay ipinakita niya kung paano sinimulan ang pagtatayo ng bahay para kay Nanay Aurora, at sa loob lamang ng apat na araw ay natapos na ito..

Maliban sa pagpapagawa ng bahay ay binigyan din ni Marcelito si Nanay Aurora ng mga ilang kagamitan at groceries para sa bago nitong bahay. Namahagi rin ito ng mga relief goods sa mga kapitbahay ni Lola Aurora.

Napaiyak na lamang ang matanda sa tuwa at nagpasasalamat ng husto sa regalong bahay na ipinagkaloob sa kanya ng singer.

“Masaya ako sa inyong kabutihan. Masaya ako kasi pinagawa niyo ang aking bahay. Sobra ang pasasalamat ko kasi mayroong tumulong sa akin,” pahayag ni Lola Aurora.


Photo Source: YouTube of Marcelito Pomoy


It will make our day if you share this post 😊