May-ari ng bahay, hindi na nagpabayad ng 3 buwang upa, may pa-bigas pa

Rose May Pimentel in Ang Pinoy Stories

May 20, 20201 min Read

Isang netizen mula sa Lipa, Batangas ang lubos na nagpapasalamat sa may-ari ng apartment na kanyang tinutuluyan matapos nitong hindi pabayaran ang tatlong buwang upa at nagbigay pa ng isang sakong bigas na ayuda sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Marron Leynes, tatlong buwan na raw hindi nagpapabayad ng renta ang mag-asawang may-ari ng bahay na sina Aida at Cesar Ilagan na nagkakahalaga ng P6,000 kada buwan. Sa pangatlong buwan daw ay nagkusa na siyang magbayad dahil nahihiya rin daw siya.

“After kong ibigay ang bayad, nag-chat sa akin yung anak from Italy na ibabalik daw sa akin ang ibinayad ko. After a few hours, may bigas pa na ibinigay,” pagbabahagi niya.

Dagdag ni Leynes, anim na pinto pa ang nilibre rin ng renta ng may-ari at binigyan ng ayudang bigas. Kung susumahin mo ay aabot sa P126,000 ang nilibre ng pamilyang Ilagan.

Kahanga-hanga talaga ang mga taong may mabuting loob na mas iniisip at inuuna ang kapakanan ng kapwa kaysa sa sarili, lalo na sa panahon ngayon ng krisis. Saludo!


Photo Source: FB of Marron Leynes


It will make our day if you share this post 😊