Melissa Ricks engaged na!

Entertainment

Aug 30, 20201 min Read

Kahapon nga ay masayang ibinahagi ni Gretchen Fullido sa kanyang instagram na ang kanyang kaibigang si Melissa Ricks ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay.

Marami ang bumati at masaya para sa bagong milestone sa buhay ni Melissa.

Sa post ni Melissa sa kanyang instagram, ikinuwento nya ang kanyang love story. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Melissa ay single mom at may 5-year-old daughter. Hindi sya naging successful sa kanyang previous relationships.

Two years ago, naramdaman ni Melissa na her world was falling apart at dahil dito, she turned to God and really prayed hard until she was led to Jesus the Anointed One Church in Rosario, Batangas. Kuwento ni Melissa na isa sa mga dasal nya ay “Lord baka po may ma meet ako dito, yun alam ang sakit, yun napagdaanan na ang lahat, yun masipag, yun mabait, yun mahal ako at mahal ang anak ko, but most of all may takot sa Diyos. Sana po may makatabi ko.” A few months later, bumalik sya sa church kasama ang kanyang daughter na si Kiera, naupo sya sa front row at doon nya nakatabi si Michael.

Congratulations, Melissa and Michael!


Photo Source: IG of Ms. Gretchen Fullido


It will make our day if you share this post 😊