Mga Batang Lupi, para sa kinabukasan
Bel Guerrero in Ang Pinoy Stories
Aug 23, 2020 • 4 min Read
Marami na tayong narinig tungkol sa mga kabataan at isa sa pinaka-popular na positibong kasabihan ay ang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Bumiyahe ako minsan sa kahabaan ng Rolando Andaya Highway o mas kilala na Camarines Sur – Quezon Road. Ang Highway na ito ay napapalooban ng mga sumusunod na municipalities: Tagkawayan of Quezon, Sta. Elena of Camarines Norte, and Sipocot, Lupi, Ragay and Del Gallego of Camarines Sur. Sa lugar na ito ay mapapansin ang pagiging konserbatibo ng mga mamamayan, hindi masyadong lumalabas ang mga tao at kaunti lamang ang bahay na nakatayo sa may highway.
Isa sa mga agaw pansin sa kahabaan ng highway na ito ay ang mga stalls sa Barangay Bel-cruz, Lupi, Camarines Sur kung saan marami ang may mga tindahan ng native products. Hindi mo to maaaring hindi makita dahil ilang metro din ang haba. Dito sa area na to ay nakilala ng Ang Pinoy ang magkapatid na sina Jessica at Angelo Jimeniz, masisipag at totoong inspirasyon.
Sina Jessica at Angelo Jimeniz ay dalawa sa limang anak nina Romeo at Emily Jimeniz, nagmamay-ari ng isang native stall sa Lupi. Si Jessica ay 19 years old at kasalukuyang nasa 2nd year college taking-up Elementary Education sa Central Bicol State University of Agriculture at si Angelo naman ay 17 years old, Grade 11 sa King Thomas Learning Academy Inc.
Base sa kuwento ng dalawa, ang kanilang papa na si Romeo ay dating karpintero at ang kanilang mama naman na si Emily ay house wife. Noong 1995, papasok na sa grade school ang kapatid nilang panganay at wala itong pambaon sa eskuwela. Dahil dito, naisipan ng papa nila na magbenta ng mais na nilaga sa tabi ng kalsada.
Hindi naging madali para sa kanilang magulang na mag-umpisa ng pagbebenta ng mais. Ang kanilang mama ay naunahan ng hiya dahil kahit kaldero ay wala silang magamit. Ngunit dahil desidido ang kanilang ama sa pagnenegosyo, nanghiram ito ng pera na umabot sa Php75.00 para maseguradong makabenta ng mais, na sa panahong iyon ay binebenta ng Php2.50 each.
Nakaranas sila ng pangungutya mula sa ibang tao dahil sinasabi na sino ba naman ang bibili ng mais sa lugar na iyon. Isang araw, may huminto na jeep, bumili ng mais sa papa nila at umorder ng 600 na pirasong mais. Mula noon, nawala ang hiya ng mama nila, nakita ng mga kapit-bahay at doon nag-umpisa ang lahat kung saan pati ang ibang tao ay nagbebenta na rin ng mais.
Ngayong pandemic, maraming positive discoveries ang magkapatid na sina Jessica at Angelo. Na-discover nila ang kanilang mga talents sa painting at other artworks na ngayon lang nila napag-tuonan ng pansin. Gumagawa sila ng mga artworks like sketching, house design, paintings at iba pa katulad ng cement plant pots.
Napansin nilang maraming nahihilig sa halaman ngayon, kaya nag-isip ang dalawa kung ano kaya ang puwede nilang gawin na maiibenta din, hanggang sa napag-usapan nila na “why don’t we try na gumawa ng paso?” Dugtong pa ng dalawa, “nakakalibang ang gumawa ng cement plant pots at masarap sa pakiramdam na naapreciate ng customer ang mga ginagawa naming paso, bukod pa sa napagkakakitaan din. Dahil dito, nakakatulong kami sa gastusin sa bahay at naiimpluwensyahan din naming ang iba na magbenta nito.”
Dahil sa sipag na nakita namin kina Jessica at Angelo, nagtanong kami kung ano at sino ba ang kanilang inspirasyon at sagot nila ay “Pamilya at mga kaibigan, pero sa totoo lang di naman importante ang inspirasyon kasi hangga’t masaya at tama ang ginagawa mo, ipagpapatuloy mo ito para sa pangarap mong gustong magkatotoo.”
Tinanong din naming ang dalawa kung excited na ba sila bumalik sa eskwuwela at ang sagot nila ay “Excited pero may halong kaba, hindi namin alam kung kakayanin namin ang hamon ng online class due to this pandemic, kasi alam ng lahat na walang kasiguraduhan kung effective ba ang online class sa pagdedeliver ng lesson. Iniisip namin kung kakayanin po naming makipagsabayan sa online class kasi bukod sa kulang sa gadget, mahina din ang internet connection sa lugar namin. It’s a big challenge for us. But one thing’s for sure na pagbubutihin pa rin namin ang pag-aaral.”
I asked them for their message to their fellow kabataan, and they said “Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, that’s why we should not waste our time spending it on nonsensical things. We should live productively every day, kahit bata pa tayo dapat pinag-aaralan natin kung paano tayo makakatulong sa ating magulang, at the same time nahuhubog ang skills at pagkamalikhain natin. Make your weakness as your strength. Wag nyo isipin na di nyo kaya, you should always keep in mind that if they can, why can’t I? We just need to put a touch of hardwork and patience. May kanya-kanya tayong kakayahan na dapat pinagyayaman at hindi itinatago. Don’t just sit back and do nothing. There are million steps for your goals, you must take a step from the very start. Be the best version of your own success at wag na wag mong kakalimutan ang Panginoon.”
Nakakabilib at dapat nating ipagsigawan na, nakaka-proud ang mga kabataang Pinoy. Suportahan natin sila at ikuwento sa buong mundo. Iba ang Pinoy!