Pagsubok kay Alden

Leonard in Ang Pinoy Stories

Feb 17, 20202 min Read

May panahon na minsan mapapatanong ka kung bakit ikaw pa? Paano ka napunta sa isang kalagayan na di mo alam kung paano mo malalagpasan? Paano ba makakaahon?

Ito ang kuwento ni Alden Pizarro Manalansan. Siya ay 27 years old, may-asawa, at may anak. Dating OFW sya.

September 2017 noon nang makaramdam sya ng pananakit sa bandang leeg. Nang ito’y kanyang kapain, may mga kulani na maliliit at naging makati sa pagdaan ng mga araw.

December 2017, pagkauwi nya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang ipatingin ang mga kulaning tumubo sa kanyang leeg. Nagpa-biopsy at na-diagnosed si Alden ng Stage 2B Hodgkin’s Lymphona, isang uri ng cancer sa dugo na kung saan humihina ang immune system at di kayang labanan ang ano mang sakit at impeksyon. Lalong lumalala ito kapag ang cancer cells ay kumalat sa katawan.

Dumaan sa IV chemotherapy si Alden at nagremission, yung nawala ang mga sintomas ng sakit nya. Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, tinuring nilang mag-asawa na isang malaking himala na mabiyayaan sila ng anak, si Theo. Nagbigay kulay sa kanilang buhay at pamilya ang kanyang anak.

Nguni’t nitong February 2019, malugkot na sinabi ng kanyang mga doctor na active muli ang kanyang cancer. Sinabihan sila na kailangang mag-undergo ni Alden ng chemotherapy at bone marrow transplant.

Ayon sa asawa ni Alden na si Evelyn, ipinagmamalaki nya ang kaniyang asawa na si Alden. May panahon na pinaghihinaan ng loob ang kanyang asawa lalo na tuwing may therapy session. Ngunit ni minsan hindi nya ito nakitaan ng pagsuko. Lubos nyang hinahangaan ang kanyang katapangan, pananalig sa Panginoon, at dala-dalang pag-asa na matatapos din ang kanyang pinagdadaanan. Kasama ni Alden sa kanyang paglaban ang kanyang buong pamilya na nanalig na balang araw ay gagaling siya sa kanyang karamdaman.

Para kay Alden, hinding-hindi sya titigil na maging matapang na harapin ang anumang pagsubok na dulot ng sakit nya. Patuloy syang lalaban hanggang manumbalik ang kanyang lakas at kalusugan, para sa anak niya.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagagamot si Alden at lumilikom ng pinansyal na pangangailangan para sa kanyang bone marrow transplant. Sa pamamagitan ng gogetfunding.com/alden-pizarro-manalansan/ ay lumalapit sya sa may mga mabubuting puso upang mabigyan ng pag-asa ang kanyang kalagayan.


It will make our day if you share this post 😊